Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Batang aktres, kinamumuhian ng ex-neighbors!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

ANG kawalan ng privacy ang paliwanag na ibinigay ng young actress kaya lumipat sila ng bahay ng kanyang pamilya.

Sinabi ng aktres na madalas na kumakatok sa kanilang pinto ang mga kapitbahay para magpakuha ng litrato na kasama siya.

Itinanggi ng mga kapitbahay ang pahayag ng batang aktres. Nasaktan sila sa kanyang kuwento dahil wala itong katotoha­nan. Kaya huwag na tayong magtaka kung kamuhian na siya na kanyang ex-neigHBOrs dahil sa mga sinabi niya.

Ayon sa mga ex-neigHBOr ng young actress, personal ang dahilan ng paglipat nila ng bahay ng kanyang pamilya.

Nalaman umano ng batang aktres na kapitbahay nila ang babae na kinahuhumalingan ng kanyang ama kaya naghanap sila ng malilipatan.
***

May panawagan sa GMA 7 ang Pinoy Idol hopeful na si Mark. Sa email na natanggap namin mula kay Mark, sinabi nito na hindi kumpleto ang ad ng GMA 7 tungkol sa singing contest na kanyang gustong salihan:

“I'd been trying to look for complete information about Pinoy Idol auditions sa mga blogs and forum. Hindi kasi kumpleto ang plug ng GMA7.

“Hindi po nabanggit sa ad ang age bracket ng mga gustong sumali sa Pinoy Idol. Hindi rin po ipinakita ang mga requirement na kailangang dalhin sa audition. I hope you can help me find the details.”
***

Hindi si Jennylyn Mercado ang unang FHM cover girl na nagbuntis at na-realize namin ito nang dumalaw kami sa FHM office. Naka-display sa FHM office ang mga cover ng kanilang past issues.

Nakita namin ang mga cover pictorial nina Patricia Javier, Tanya Garcia at Camille Pratts.

In short, hindi lamang ang January 2008 issue ng FHM ang collectible dahil baka ito na ang hu­ling beses na nag-pose ng sexy si Jennylyn.

Puwede nang i-consider na collector's item ang cover pictorial nina Tanya at Camille para sa FHM dahil malabo na itong maulit.

Sina Valerie Concepcion, Pops Fernandez, Dina Bonnevie at Angelu de Leon ang ilan sa mga aktres na nanay na nang maging cover girl ng FHM.
***

Sa tuwing napapanood namin sa TV ang mga statement ng GMA 7 at ABS-CBN tungkol sa isyu ng dayaan sa ra­tings, ang pakiramdam ni Maya Reforma ang aming iniisip.

Hindi natin kilala si Maya pero naging pamil­yar tayo sa kanya dahil ang pangalan niya ang paulit-ulit na binabanggit sa statement ng GMA 7 at ABS-CBN.

Si Maya ang gene­ral manager ng AGB-Nielsen, ang survey firm na kinasuhan ng ABS-CBN.

Hindi sanay sa eskandalo at gulo si Maya kaya posibleng trauma sa kanya ang madalas na pagbanggit sa pangalan niya.

Mula nang kasuhan ng ABS-CBN ang AGB-Nielsen noong December 2007, halos araw-araw na nating napapanood sa TV, naririnig sa radyo at nababasa sa mga newspaper ang pangalan ni Maya.

Hindi showbiz personality si Maya pero walang tatalo sa ingay ng kanyang pangalan at hanggang hindi natatapos ang isyu tungkol sa ratings, asahan natin na patuloy nating mariri­nig ang pangalan ni Maya. Wala nang privacy si Maya dahil naipit siya sa rivalry ng dalawang giant TV network.
***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante