Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Batang aktres, natakot sampalin si Vilma!

Batang aktres, natakot sampalin si Vilma!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

BINISTO ni Governor Vilma Santos na naduwag ang young actress na si Megan Young na sampalin siya sa acting workshop na ibinahagi niya sa ABS-CBN ar­tists kaugnay ng TV special niyang Vilma: A Woman For All Seasons, na mapapanood sa 5 Saturdays ng August.

Eh, sa special niyang ito, sisilipin ang naging buhay niya bilang artista, husay sa pagsa­yaw, asawa't ina at public servant. Ang sharing ng experiences niya bilang aktres ang mapapanood sa first Saturday at sa workshop nga, magpapasampal sana siya kay Megan pero hindi kinaya ng young actress na sampalin siya.

“Hindi niya ginawa! Hindi ko alam kung bakit! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Governor Vilma.

Eh, sa mga young stars, sino ang masasabi niyang puwedeng huma­lili sa trono niya o kundi man, makapantay ang kahusayan niya?

“Hindi naman! 'Yun nga ang pinipilit kong sabihin sa kanila. Kasi nga, nai-intimidate sila. 'Yun 'yung shinare ko sa kanila kasi naranasan ko 'yan kay Miss Charito Solis. It happened to me. Kaya ganoon ang ginagawa ko.

“So sabi ko sa kanila, even may kaeksena ka­yong senior stars, pag sinabi ng director na kailangan ninyong sigawan, sampalin, wala kayong choice!

Gagawin ninyo 'yon kahit sabihin ninyong senior stars o respected ang kaeksena ninyo. Hindi kayo puwede magpa-intimidate.

“Kasi lahat sila, kina­kabahan lalo na nu'ng nagpapasampal ako. Si Megan, ang tagal! Hindi ako masampal! Hanggang nag-cut na si direk Laurice!

Nang tanu­ngin siya, hindi raw niya magawa! Ha! Ha! Ha!” pagkukuwento ni Governor Vilma.

Muli ring binuhay sa special ang pagiging dancer ni Vilma na hit na hit noong Vilma In Person days niya. Si Vhong Navarro ang host ng se­cond episode na ito pero tumanggi na si Vilma na magsayaw.

“I love dancing pero siyempre, ayokong magkaroon ng comparison gaya noon. Ako ang magsisi­mula ng sayaw pero pag-ikot ko, ang mga young stars na sina Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Iya Villania, Empress Shuck at iba pa ang magtutuloy! Pero hindi ko rin natanggihan ang request ni Mama Betchay (Bicharra) at nakisayaw rin ako sa ilang parts! Nag-hip hop pa nga ako! Ha! Ha!!” pahayag pa niya.

Sa third Saturday, bubuksan naman ni Gov. Vilma ang bahay nila sa Alabang kung saan may partisipasyon ang tatlong lalaki sa buhay niya -- sina Sec. Ralph, Luis at bunsong si Ryan Christian. Si Angel Locsin naman ang host ng episode na ito.

Eh, ano naman ang masasabi niya sa tsismis na magpapakasal na sina Angel at Luis.

“Wala naman kaming napag-uusapan. Saka hindi naman ako nakikialam sa parteng 'yon. I con­sider them happy na­man,” sagot niya.

Overprotective mom ba siya?

“No, I'm a libera­ted mom. Pagdating sa ganyang issues, I don't meddle. I don't impose! Naniniwala ako na let them enjoy life! Inabutan ko na 'yon at hindi na sila babalik diyan. May time na kaibigan, may time na kakuntsaba ako, may time na nanay ako!” katwiran ni Gov. Vilma.

Komo parte siya ng idea ng special, nakiupo siya sa pagbibigay ng kanyang idea sa gusto niyang mangyari with the help of long time friend, Chit Guerrero.

“Two years na nilang pinaplano na bigyan ako ng special. Hindi ako pumapayag. Unang-una, kukunin 'yung tagal ko sa show business.

Ikalawa, 'yung golden-golden! Ayoko nga mag-golden! Ha! Ha! Ha!

“Treinta otso pa lang ako 'no? Ha! Ha! Ayoko nga! Two years akong walang special,” pahayag niya.

Bakit hindi yata kasama ang kanyang affairs of the heart sa special?

“Hindi nila nilagay! Sayang! Ha! Ha! Ha! Interesting 'yon! Ha! Ha! Ha!” biro ni Governor Vilma.

Eh, ano naman puwede niyang i-share pagdating sa pakikipagrelasyon?

“You have to give time and you have to love yourself. Hindi ka kasi makaka-expect ng love and respect kung ikaw mismo, hindi ka marunong magmahal at respetuhin ang sarili mo. That's one thing I've learned in anything, even in relationship! Kami ni Ralph, we have respect. Mas una 'yung respeto kesa sa love! Once you respect your partner, eve­rything follows!” diin ni Governor Vilma.

Pati sa mga ex niya, ganoon din siya?

“Yes, with Eduardo at kung sino man sila! Ha! Ha! Ha!” pilyang bulalas ni Governor Vilma Santos Recto.

More on the Woman For All Seasons in our columns!

Source: Abante