Sep 08
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

Bawal na bang magpakita ng cleavage sa TV?

Ecstatic si Rachelle Ann Go sa pagkakatanggap niya ng People’s Choice Award bilang Female Favorite Artist sa 2005 MTV Filipinas Video Music Awards, para sa awiting

 

Bawal na bang magpakita ng cleavage sa TV?

Helga Marie Krapft

Column: SANGA-SANGANGDILA
Author: Veronica Samio

Ecstatic si Rachelle Ann Go sa pagkakatanggap niya ng People’s Choice Award bilang Female Favorite Artist sa 2005 MTV Filipinas Video Music Awards, para sa awiting "Love of My Life", kasama sa kanyang "Rachelle Ann Go" album at pang-lima na hit single niya. Bale ba, limang araw makatapos ang event ay nagdiwang siya ng kanyang 19th birthday.

* * *

Matatas magsalita ng German si Helga Kraft, kabilang sa Star Magic family, di pinalad na manalo sa Star Circle Quest pero, unti-unti nang napapansin ang talino sa pag-arte sa kanyang paglabas sa SCQ Reload, ASAP at Spirits.

Sampung taon na si Helga nang pumunta sila ng kanyang pamilya sa Pilipinas mula Germany. Pitong taon na sila rito at German pa rin ang lengwahe kapag nag-uusap silang mag-ama.

Seventeen years old na siya at kasalukuyang member ng Lyceum theater guild.

* * *

Nakaka-distract yung ginagawang paglalagay ng screen ng GMA sa dibdib ng mga sexy stars tulad nina Rufa Mae Quinto (Bubble Gang), Maureen Larrazabal at Alicia Mayer (Lagot Ka...). Bakit hindi na lang nila pagbawalang magpakita ng cleavage ang mga nasabing artista kung talagang bawal ito? Mas maganda pa tulad nang ginawa nila recently, nang magdamit ng medyo mataas ang neckline si Maureen at tinakpan naman ni Alicia ang cleavage niya ng isang malaking pendant.

Source: Pilipino Star Ngayon