|
|
| Bb Gandanghari is happy with his love lifeAuthor: Fidel Jimenez Marami ang nakapapansin na blooming ngayon ang kapatid ni Robin Padilla na si Bb Gandanghari. Ang dahilan, mayroon na raw kasi siyang love life na hindi niya nagagawa noon. Ngunit tumanggi si Bb na magbigay ng detalye tungkol sa kanyang love life, ayon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Ayon kay Bb, madalas na siyang makipagdate kasama ang kanyang mga kaibigan. Masaya raw ito dahil damang-dama niya ang buong pagtanggap sa kanya ng kanyang pamilya. Naniniwala rin umano si Bb na matatagpuan niya ang lalaki na para sa kanya sa tamang panahon kaya naman hindi siya nagmamadali. "Meeting peopol mga ganyan...I really take it really slowly. Ayoko ring nagmamadali," ayon kay Bb.
Source: GMANews |