Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bb. Pilipinas 2009 candidate, Sandra Seipert ipinahamak ng sexy pictorial sa isang male mag

Bb. Pilipinas 2009 candidate, Sandra Seipert ipinahamak ng sexy pictorial sa isang male mag

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

NAGTATAKA ang spy namin sa hindi pagdalo sa rehearsal ng Bb. Pilipinas 2009 candidate na si Sandra Seipert, dating co-host sa Walang Tulu-gan program ni Kuya Germs.

Sabi ng aming spy, nang pumutok last Wed-nesday night na may nag-padala sa Bb. Pilipinas Charities ng sexy picto-rial sa FHM ni Sandra bigla na lang itong hindi dumating sa rehearsal.

Nasa rules and regulation ng Bb. Pilipinas Charities na walang sinu-man sa official candidates nito na mag-pose sa sexy pictorial ng anumang babasahin, lalo na sa men's magazines. Wa-la pang anumang paha-yag mula sa Bb. Pilipinas Charities hinggil sa issue. O maaaring lumambot ang policy nito.

Kung hindi nakaa- Pekto kay Sandra ang FHM sexy pictorial niya, malalaman natin sa pa-geant night mamaya na gaganapin sa Araneta Coliseum. Kapag kasali pa rin siya, nabali na ang isa sa mga policy ng Cha-rities na bawal sa sinumang kasali sa pageant ang mag-pose ng sexy sa anumang babasahin.

* * *

MAY nag-aalok na star-builder-producer kay Pauleen Luna sa Indonesia na gagawin siyang big star sa kanilang bansa. Kilala na si Pauleen sa Jakarta dahil sa kanyang naglalakihang billboards sa siyudad bilang endor-ser ng beauty product na Citra Lotion. Ang pangako raw ng star builder-producer na ito ay pasi-sikatin naman siya bilang artista. Pero, ayaw daw ni Pauleen na manirahan sa ibang bansa. Kahit three months lang daw ay 'di niya ito carry. Kaya ti-nanggihan niya ang alok. Okey na raw kay Pauleen ang daily program niya sa sariling bansa na Eat Bulaga at ang soap niya sa GMA-7.

Ngayong taon ay magiging busy si Pauleen sa shows abroad. Kasama rin siya bilang endorser ng Bida March na magkaka-roon ng malaking rally sa Marso 21 para sa anti-drug campaign. Pawang Kapuso stars ang endor-ser ng affair na kinabibilangan nina Nadine Sa-monte, Marian Rivera at iba pa. Sa CCP ang venue na dadaluhan ng mga ka-bataang nasa grade school pa lang na lumala-ban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Gusto rin ng Bida Foundation na maitala sila sa programang Pinoy Re-cords nina Manny Pacquiao at Chris Tiu bilang may pinakamalaking rally ng mga kabataang nasa elementarya pa lang na aware na kaagad sa masa-samang idinudulot sa sos-yodad ng droga. Pangu-nahing sponsor ng affair ang PAGCOR.

* * *

SPEAKING of Chris Tiu, super-busy pa rin ang host ng Pinoy Records at Rip-ley's Believe It Or Not sa kanyang daily schedule. Bukod sa pagiging basketbolista, siya'y no. 1 male endorser ng mga pro-dukto sa bansa ngayon. Latest niya ang Milo commercials sa TV.

* * *

WALANG kupas si Lovi Poe sa kanyang pagiging actress at singer.

Hinahangaan ang kan-yang pag-arte sa Ang Ba-baeng Hinugot sa Aking Tadyang kung saan supporting role siya kina Dingdong Dantes at Ma-rian Rivera. Kapartner ni-ya rito si Prince Stefan. Ngayong Sunday ay nasa SOP si Lovi para sa laun-ching ng bagong music video niya na hango sa awiting Dito sa Puso na naging theme song ng Ko-rean soap titled Wanted Perfect Family. Kasama ang Dito sa Puso sa album niyang Bloom under Sony-BMG Records.

* * *

WALANG kupas talaga si Joey de Leon pagda-ting sa creativity.

Pangunahing contri-butor siya ng mga pakulong gagawin sa kanyang programang Joey's Quir-ky World na magsisimula na ngayong Sunday sa GMA-7 bago mag-SOP.

Ngayong Saturday ay mapapanood ang huling episode ng Takeshi's Castle.

* * *

MATAGUMPAY ang labanan ng talent, beauty at personality sa 1st Campus Image Model Quest sa Showdown @MP ng Market Place Shopping Mall sa Mandaluyong Ci-ty last Feb. 22.

Ang talent at beauty search ay project ng Ma-nila Talent Arts & Entertainment Production hea-ded by Carlito Cernal at ng Division of City Schools of Mandaluyong City. Ito ay binubuo ng more than 20 pairs of candidates na nanggaling sa highschools at colleges sa Mandaluyong.

Ang itinanghal na winners ay sina Nichelle Yvette Corral ng Rizal Technological University at si Albert Joseph Apostol ng Namei Polytechnic Institute. Ang first runner-up sina Ma. Venus Viray ng Namei at Jarrel Soliman ng Rizal Tech. Ang second runner-up naman ay sina Jessa Torrentegio ng Jose Fabella Memorial School at Joshua Lapid ng Boni-facio Javier National High School. Presentor sponsor ang Market Place Shopping Mall president Ernesto Yu, Unilever Phi-lippines, Philippine Tou-rism Authority at Champion Detergents. Ang major sponsors ay ang Pagoda Philippines, C2, Nis-sin Cup, Nova by URC , UK Derm Pharma, St Francis Square. Ang premiere sponsors ay sina Mayor Benhur Abalos, Ariel Ja-velosa bilang official photographer, McJim Classic Leather, Psalmstre New Placenta, Splash Manufacturing Corp. at Stradcom Corp.

Ang minor sponsors ay ang Market Place Ci-nema, Your Wardrobe Boutique, Imee's House of Shoes and Bags, MP Right Mart, Asia Bre-wery, VS&F Classic Food International, Magnolia Healthy, Eastgate Computer Corp, GNC Live Well, Page Jeans Company, Fuller Life and Norby's Fashion Collection.

Source: Taliba