Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

B-day gift na house and lot ni Dingdong, itinanggi ni Marian

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Magbibigay ng blowout ang GMA-7 sa staff and cast at lahat ng involved sa Darna dahil sa patuloy na pagtaas ng rating nito. Para sama-sama ang cast at staff, sa location sa San Miguel, Bulacan gagawin ang blowout.

Sa interview kay Marian, sinabi nitong ang last birthday niya, noong August 12, ang happiest birthday niya dahil sa tagumpay ng Darna at siyempre, si Dingdong Dantes. Itinanggi nga lang ni Marian ang tsikang house & lot ang birthday gift sa kanya ng actor at siya'y Porsche ang binigay dahil 'di raw ganu'n kamamahal ang gifts nila sa isa't isa.

Samantala sa Darna mamaya, magpapakita si Guardian kay Narda at sasabihing siya ang dapat magmay-ari ng bato. Tatanggi si Narda na ang feeling, 'di siya karapat-dapat.

* * *

Sinimulan pa lang ni Richard Gutierrez ang shooting ng Patient X, pero may playdate na ito. Showing ang horror movie sa October 28 na produced ng GMA Films, Viva Films at IcedOut Films na pag-aari mismo ng actor.

Hindi lang director si Yam Laranas ng pelikula, siya rin ang scriptwriter, light director at cinematographer. Hindi akalain ni Richard na muling makakatrabaho ang director na una niyang na-katrabaho sa Sigaw dahil last time silang nagkita sa L. A. Screamfest at nawa-lan na sila ng communication. Hindi alam ni Richard na may sinusulat na pala itong script para sa kanya at nagkataong horror na gusto ng actor.

Doctor ang role ni Richard at love interest niya si Heart Evangelista sa role na tiyak marami ang magre-react. Kasama rin sina TJ Trinidad, Rocky, Ritchie Paul at Elvis Gu-tierrez. Nangako si Richard na 'di titipirin ang movie lalo na ang special effects para mas magan-da ang labas.

* * *

Matutuwa nito sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann dahil natupad na ang gusto nilang tumaas ang rating ng Rosalinda. Hinintay lang ng viewers na makasal ang karakter nila sa series na sina Rosalinda at Fernando Jose at tumutok na ang viewers. Madrama ang episode sa linggong ito at sa mga susunod pa, kaya 'wag bibitaw!

Kinukulit si Geoff kung kailan liligawan si Carla, pero sabi nito hindi niya kailangang manligaw ng pormal at mas okey kung friends muna sila. Paano niya idi-describe si Carla?

"She's perfect! Lahat ng hinahanap at gusto ko sa babae, nasa kanya," sa-got nitong halatang smitten sa ganda , bait at kahinhinan ni Carla.

Kasama rin pala si Geoff sa Panday na entry ng Imus Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival bilang kakampi ni Sen. Bong Revilla. Enjoy siya sa kanyang fight scene at gamit niya ay bow and arrow at love interest niya si Rhian Ramos.

Sa Rosalinda this Monday, hindi kayang itago ni Soledad (Glydel Mercado) ang totoo at inamin si Rosalinda ang tunay nilang anak ni Alfredo (Ariel Rivera). Natanggap na rin ng dalagang ina niya si Soledad, pero inililihim niya kay Fernando Jose hanggang magbuntis siya.

* * *

Mamayang 12nn ang pro-vegetarian nude pictorial ni Geneva Cruz para sa People for the Ethical Treatment of Animals o PETA. Pintura lang ang tatakip sa hubad niyang katawan at gagayahin ang markang ginagawa ng mangangatay ng baboy at baka sa palengke.

Imbitado ang media sa pictorial na gagawin sa DPIXL Studio sa Makati City. May tagline na "All Animals Have the Same Parts. Go Vegetarian" ang pictorial. Ang fotog na si Niccolo Cosme na kasali sa Celebrity Duets 3 ang magsu-shoot kay Geneva.

May nang-iintrigang kaya magpapa-pictorial ng nude si Geneva at sagot sa almost nude na pagpo-pose ng hipag niyang si Aubrey Miles sa July issue ng FHM. Print mark lang ng kamao ang nakatakip sa private parts nito at hihigitan siya ni Geneva.

* * *

Sa Adik Sa 'Yo, nag-panic si Emilene (Chariz Solomon) sa labas ng freezer dahil hindi ito mabuksan at si Madam F (Eugene Domingo) lang ang nakapagbukas. Mabibigla si Joana (Jolina Magdangal) nang makita si Liza (Chynna Ortaleza) na kapareho ang ayos sa kanya.

Sa presscon ng Ruben's Tuba, pasasalamatan ni Ruben (Dennis Trillo) ang babaing minahal at mamahalin pa niya. In-assume ni Karen (Jennica Garcia) na siya 'yun, pero hindi pala at mapapahiya siya at maiiyak sa sama ng loob.

* * *

Monday sa All My Life, naghihingalo na si Efren (Romnick Sarmenta) at nakiusap kay Jules kung puwedeng sabihin nito kay Romina (Kris Bernal) na anak niya ito. Hihilingin nito sa anak na patawarin si Sally (Manilyn Reynes) na inamin kay Romina na si Efren ang ama nito.

Tinawagan ni Gary (Jay Manalo) si Jules (Aljur Abrenica) na layuan si Romina dahil marami na ang nangyari at mangyayari pa at ayaw nitong mapahamak ang anak. Darating si Perry (Paolo Avelino) at mga kaibigan at kukunin nang sapilitan si Jules.

Source: People's Tonight