|
|
| 'Be,' tawag ng actor sa malihim na actress-GFColumn: Basta "BE," as in, "baby" pala ang tawag ng actor sa rumored girlfriend niyang young actress at kung ang actress, pilit itinatago sa tao ang kanilang relasyon, pa-obvious naman ang actor. Hindi nga ba't sumusunod ito sa mga lugar na pinupuntahan ng nobya at walang pakialam makita man sila ng press? Sa taping ng isa nilang show, hindi rin naitago ng actor ang love niya sa GF. Habang nagsasayaw ang young actress kasama ang ka-loveteam, naririnig ang actor na nagda-dialogue ng "go, go, Be!" Hindi nito naisip na baka naririnig ng ka-loveteam ng actress ang kanyang sinasabi. Saka lang ito tumigil sa katsi-cheer nang maalalang may ibang tao sa paligid niya, pero huli na't may nakarinig sa kanya at nagkuwento sa amin. * * * HINDI press release ang invitation ni Jayce Perlas (publicist ni Dingdong Dantes) na over P1 million ang appliances na ipara-raffle sa thanksgiving party ng actor for the press, dahil totoong bumaha ng regalo last Friday sa Centerstage. So far, 'yun na ang may pinakamalaking raffle prizes na sa rami'y nagkaroon pa ng second round. Bukod sa napanalunang raffle items, bawat reporter ay may basket of goodies, gift certificate from Uni-Silver at give-away from Belo Medical Group. Aliw dahil may mga reporter na dobleng ref, dobleng TV at dobleng washing machine ang napanalunan. Pasasalamat 'yun ni Dingdong sa very fruitful at blessed 2007. Bukod sa patuloy na humahataw sa rating na Marimar, kasama rin siya sa Resiklo, Metro Manila filmfest entry ng Imus Productions, at nagiging in-demand na product endorser. Dingdong is the newest male endorser ng Belo at marami pang dumarating na product endorsements. Bukod sa party for the press, may pa-party pa siya sa barangay nila sa may Cubao. Mamimigay din siya ng regalo at magpapakain sa less fortunate neighbors. "First time kong gagawin ito, so, I wanna make it big. I'm so amazed na lahat dumating at gulat din ako sa malalaking regalo. Para sa inyo ito, I owe almost everything to you and this is my way of giving back," ani Dingdong sa kanyang speech. * * * VERY charming si Mikylla Ramirez, ang Star Magic talent na kasama sa pelikulang Enteng Kabisote 4 (The Beginning of a Legend). Siya ang gumaganap sa role ni Ada, youngest daughter nina Enteng Kabisote at Faye (Vic Sotto and Kristine Hermosa, respectively). Hindi siya nag-audition for the role, pero nag-go-see lang at siya ang napili. Second EK series na niya ito at wish ng nine-year-old bagets ay hindi siya mapalitan sa kanyang role hanggang paglaki niya. Enjoy siya as Ada, dahil masaya raw sa shooting at bini-baby siya ng ibang cast. Galing sa Star Circle kids si Mikylla at lumabas na sa Krystalla at Sa Piling Mo at kasama sa Parekoy, na January 2008 ang airing. More TV and movie projects ang Christmas wish nito. * * * NAGSAMA-SAMA ang cast ng Boys Nxt Door sa Christmas party nila kagabi at tiyak na nagkasentihan ang buong cast, dahil malapit nang magtapos ang youth-oriented show ng GMA-7 na napapanood every Sunday, after SOP. Ilang Sundays na lang at malalaman na kung ano ang mangyayari kina Buboy (Marky Cielo) at Sari (Glaiza de Castro), kung happy ang ending sentihan ang buong cast, dahil malapit nang magtapos ang youth-oriented show ng GMA-7 na napapanood every Sunday, after SOP. Ilang Sundays na lang at malalaman na kung ano ang mangyayari kina Buboy (Marky Cielo) at Sari (Glaiza de Castro), kung happy ang ending nina Coffee (Kris Bernal) at Migs (Aljur Abrenica) at kung magkakatuluyan sina Atom (Mart Escudero) at Summer (Jennica Garcia). Sa episode mamaya, sasabak naman sila sa isang masaya at magulong escapade, na lalong magpapatatag sa kanilang barkadahan. * * * BIRTHDAY ni Star Magic talent Dionne Mosanto noong December 5, pero hindi siya nagpa-party. Ang dapat gastusin sa kanyang birthday party ay sa outreach program for the indigents sa Cebu niya wawaldasin. Every year niya ito ginagawa, kaya sinusuwerte ang dalaga. Next year nga, kapag patuloy na sinuwerte sa showbiz, magtatayo na siya ng foundation para mas makatulong pa. Samantala, pinanindigan ni Dionne na hindi siya ang nakitang kasama ni Diether Ocampo sa celebrity premiere ng Beowulf. Hindi sila personal na magkakilala ng actor, kahit nag-cover siya sa August issue ng Uno magazine, na isa ang actor sa owners. * * * BALIK-BAHAY ni Kuya sina Mariel Rodriguez at Ethel Booba as houseguests na lang. Tutukan ang mga gagawing kalokohan ng dalawang ito habang nasa loob ng bahay. Samantala, pinasaya ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ang 200 bata/teenagers mula sa Boys' Town at Girls' Town sa ipinamigay na mga bagong sapatos from Converse. Namigay din ng laruan ang housemates sa 16 kids with their parents at ito'y katuparan ng wish nila nang manawagan si Kuya ng mga batang gustong magkaroon ng laruan sa Pasko. Hindi roon natapos ang regalo ni Big Brother at ng housemates, mamimigay pa sila ng mga laruan at mga sapatos sa mahihirap. Source: People's Tonight |