|
|
| Bea Alonzo may problemang 'level status' kay John Lloyd CruzAuthor: Dominic Rea NGAYON pa lang ay super -excited na si Bea Alonzo sa muling pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa pelikulang gagawin nila sa bakuran ng Star Cinema. Sa isang maikling pana-yam sa sikat na rin ngayong aktres ng Dos, naging deretsahan si Bea sa pagsasabing kinakabahan siya bilang leading lady ni Lloydie. May dramang 'level status' si Bea sa dahilang di-hamak daw na mas kilala at mas maga-ling na artista si John Lloyd kesa sa kanya. "Kinakabahan ako and at the same time, mas nai-excite, para bang magic na kami na naman ulit ang magsasama sa pelikula. Maybe after Undas ay magi-start na kami ng shooting. Salamat pa rin sa mga taong nagbibigay ng kanilang tiwala sa aming dalawa, sa mga fans na nandiyan pa rin hanggang ngayon para su-portahan kami ni Lloydie. " paglalahad pa ni Bea. * * * HINDI diumano apektado si Robi Domingo sa mga nagsasabing unti-unti na siyang nawawala sa sirkulas-yon ng showbiz. Sa aming panayam kay Robi sa presscon ng Star Magic World Concert Tour-Live in Manila ngayong Nov. 13 sa Araneta Colise-um, wala raw problema kung wala siyang regular shows sa ngayon. Napapanood naman daw siya sa ASAP, MYX at Studio 23. Katatapos lang ding ga-win ni Robi ang isang episode ng MMK with Gerald Anderson and Rio Locsin. Kailangan din daw niyang tapusin muna ang kanyang kursong BS Health Science sa Ateneo de Manila University kung saan two and a half years na lang ay graduate na siya. Source: Taliba |