|
|
| Bea Alonzo pinagtawanan lang ang isyu kay Jake Cuenca![]() Author: Chan-Chan Torres Nakasalubong na-min si RR Enriquez recent-ly sa labas ng studio ng Wowowee at agad naming itinanong sa kanya ang tungkol sa isyung lumabas na lumalaki na raw ang ulo niya at may sinigawan si-yang isang PA sa Music Museum? Aware si RR sa isyung ito at agad niya kaming ki-nausap para linawin ang bagay na ito. "Wala pong katotohanan ang naisulat na 'yun tungkol sa akin. Ganito kasi 'yan, nu'ng nanood kami ng show nina Pokwang (Poohkwang) sa Music Museum, kasama ko sina Mariel (Rodriguez), Valerie (Concepcion) at 'yung family ni Val," simula ni RR. Dagdag pa ni RR, da-lawang tig-2,000 pesos ang ticket na kanyang binili pa-ra sa kanya at sa PA na si Andy. Pero, pinaupo pa rin daw sila roon sa tabi nina Valerie kung saan 1,650 ang ticket ng aktres/TV host. Nagsimula nang maginquire umano itong si RR at ipinatanong niya sa kanyang PA sa staff kung bakit doon sila pinaupo at malapit pa sa speaker. Nu'ng lapitan sila ng isang staff na nagngangalang Jeda, agad na nagta-nong daw itong si RR tung-kol sa kanyang paglipat ng upuan. Aminado si RR na malakas ang boses niya kahit nagsasalita lang siya, lalo na that night dahil mala-pit siya sa speaker. Sa kuwento ng isa sa co-hosts ni Willie Revilla-me sa amin, mukhang na-misinterpret siya ni Jeda na sinisigawan siya ni RR. Kalokah naman ang mga ganitong kaganapan, huh! Dahil dito, may mga is-yung lumabas na kesyo lu-malaki na raw ang ulo ni RR at yumabang na raw. Say ni RR, hindi luma-laki ang ulo niya at ipinagtatanggol lang niya ang sa-rili dahil alam niyang wala siyang sinigawan at hindi raw niya ugaling manghi-ya ng tao. Kung ang driver at PA nga niya ay kinakausap lang niya nang maayos 'pag nagkakamali, 'yun pa raw kayang hindi naman niya kakilala? Ipinagtanggol din siya ni Pokwang dahil knows ni Pokie na hindi raw ganu'n ang ugali ng kaibigan. * * * Dahil lumabas ang balitang super-sweet sa isang party sina Bea Alonzo at Jake Cuenca, aming tina-nong ang aktres kung ano ang status nila ngayon ni Jake? Natawa lang si Bea at sinabing nice guy si Jake, pero hindi pa ito nanlili-gaw sa kanya. Kung nakita man daw silang sweet sa party eh, hindi lang naman si Jake ang ka-chika niya that night. Natawa rin si Bea nu'ng sabihing nanonood din si-ya ng Palos, pero hindi naman daw siya 'yung super nag-aabang talaga or what. Sa totoo lang, wala kaming say kung magkama-butihan man o if love will find a way for Bea and Jake. Pareho naman silang lib-re at this point and two beautiful people like them deserve love and happi-ness, 'ika nga. May ilan pa sana ka-ming itatanong kay Bea nang hapong 'yun kaya lang minamadali kami ng kanyang RM (road ma-nager) na tila hindi yata knows ang tamang paki-kisama sa press. Sa pagkakaalam na-min, hindi naman nakasa-sakit o nakasasama sa aktres ang aming itatanong. Hindi ba 'yan ang da-pat na unang matutuhan ng mga taong involved sa artista, ang pakikisama at tamang PR? Pumayag din naman itong si Bea na makausap namin. Pero hayun, mina-dali pa rin kami na parang walang bukas. Hay, naku! Sa totoo lang, okray talaga. * * * Mukhang malalim ang pinag-ugatan ng hidwaan nina Ara Mina at Cristine Reyes, huh. For the nth time ay nag-katampuhan ang magka-patid, pero sa pagkakataong ito, it seems matigas na ang puso ni Ara. Sa isang mensaheng ipinadala ng aktres sa The Buzz, sinabi nito na ayaw muna niyang gumawa ng move or anything para magkaayos sila ni Cristine. Aminado si Ara na lubha siyang nasaktan sa mga sinabi sa kanya ni Cristine sa text. Kung ano man ito, siya lang ang nakaaalam. Bas-ta malalim daw ang pinag-ugatan ng away nila ngayon. Well, malay natin this time ay matuto na si Cristine kapag tuluyan siyang tinikis ni Ara. Source: Taliba |