Bea Alonzo speaks up about the real score between her and John Lloyd Cruz Author: Heidi Anicete Sa guest appearance ng magkaibigang Bea Alonzo at Shaina Magdayao sa morning show na Ruffa and Ai kahapon (October 22), lantarang inalam ni Ruffa Guttierez ang sagot sa matagal na ring tanong ng bayan kay Bea tungkol sa tunay na relasyon nila ni John Lloyd Cruz. Walang pag-aalinlangang itinanong ni Ruffa kay Bea kung sa kabila ng pagiging sought-after love team nila noo'y naging true-to-life lovers sila ng nag-iisang Box Office King ng bansa. Unang dinig ni Bea sa tanong ay di mapatid-patid na tawa lamang ang naisagot niya. Ngunit nang ulitin ito ng co-host ni Ruffa na si Ai-ai de las Alas, sa wakas ay nagsalita na rin siya. " Ay hindi. Hindi po. Hindi po siya nanligaw sa akin" mariing pahayag ng dalaga. At upang suportahan naman ang kanyang naging statement, sinundan rin ito ng kumpirmasyon ng matalik niyang kaibigang si Shaina. Sa backstage ng nasabing programa, sinubukan namang kunin ng SNN ang reaksyon ni Bea kaugnay ng hindi inaasahang pag-uungkat patungkol sa tunay na relasyon nila ng kanyang longtime onscreen partner na si John Lloyd. Agad na tugon naman dito ni Bea, " Nagkakasiyahan lang naman kami. Biru-biruan lang naman 'yon." Source: ABS-CBN Interactive |