|
|
| Bea Alonzo-John Lloyd Cruz loveteam still going strongAuthor: Melba Llanera Maaaring sabihin na tumaas na talaga ang antas ng pag-iisip at marami ang wala nang fan mentality sa mga manonood natin ngayon. Patunay nito ay ang mainit na pagtanggap ng publiko sa tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo sa kabila ng katotohanang hindi naman talaga sila sa tunay na buhay.
Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea last Sunday, June 10, ay ikinuwento ng young actress kung gaano siya kasaya sa piling ni Mico.
Ayon pa kay Bea, maganda rin daw ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Mico. "Na-meet ko na ang buong family ni Mico. Sobrang love ko ang family niya, ang sarap nilang kakuwentuhan. Every time na nandun sila, nagba-bonding kami. Ang sarap nilang kasama. Napakatotoong mga tao, napaka-warm," papuri ni Bea sa pamilya Palanca. Sa ilang pictorials ay na-meet at nakausap na rin pala ni Bea ang girlfriend ni John Lloyd na si Liz, na associate fashion editor ng Preview magazine. According to Bea, Liz is very nice and she's flattered that she is a John Lloyd-Bea fan.
"Love makes her very supportive of Lloydie. Happy ako that Lloydie is really happy," nakangiting pahayag ng young actress. Samantala, tinanong namin si Bea kung totoong huling tambalan na nila ni John Lloyd ang Maging Sino Ka Man, gaya ng nababalita. Patunay raw nito ay isang pelikula ang gagawin ni Bea with Sam Milby and Kristine Hermosa sa Star Cinema. Ayon kay Bea, "Matagal na sinasabi na bubuwagin ‘yong loveteam namin ni Lloydie, kahit noong Ikaw Ang Lahat Sa Akin days pa. Pero dahil may mga supporters pa, di pa nila kami mapaghiwalay at this moment.
Source: Philippine Entertainment Portal |