|
|
| Bea, Anne at Angel, type matikman ni Gabby!![]() Author: Rey Pumaloy SABIK na sabik na raw si Gabby Concepcion na simulan ang pelikula niya sa GMA Films. Ikinuwento nga ni Gabby na una niyang gagawin ang pelikula sa naturang kumpaniya, at kapagkuwan ay isusunod agad ang pelikula naman niya sa Star Cinema. Sa kuwento ni Gabby, tila nahihirapan ang GMA Films sa paghahanap ng babagay na leading lady sa kanya. Malabo na raw kasing makasama niya sa pelikula si Marian Rivera, dahil busy ito ngayon sa pelikula nila ni Dingdong Dantes. At hindi rin daw contract star si Marian ng GMA Films, kundi sa Regal Films ito nakakontrata. Masaya si Gabby sa magandang trato at pagpapahalaga na ibinibigay sa kanya ng GMA Films. Kung si Gabby ang masusunod, mas gusto ni Gabby na isang light drama o light comedy ang gawin niyang pelikula. Ang mga kaibigan niya ang nagsabi sa kanya na hindi na uso ngayon ang heavy drama, na siyang forte ni Gabby. Anyway, excited na rin si Gabby na gumawa ng first movie niya sa Star Cinema. Sabi ni Gabby, bukod kay Claudine Barretto (na nakasama na niya sa Iisa Pa Lamang sa ABS-CBN 2) sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angel Locsin ang mga type niyang makasama sa movie niya sa Star Cinema. Gusto raw niyang matikman ang husay sa pag-arte ng mga nabanggit na aktres, dahil alam daw niyang bukod sa pare-parehong magaganda ang mga nabanggit na aktres, mahuhusay pa raw itong umarte, at malakas ang karisma sa mga manonood. Anyway, unti-unti ay nasasanay na rin daw siya sa mga intriga sa showbiz. Katunayan, tinawanan na lang daw niya ang tsismis sa kanila ni Pops Fernandez. Para sa kanya, isang mabuting kaibigan si Pops. Marami raw magagandang payo sa kanya si Pops pagdating sa pagkanta. Natutuwa siya na hindi raw nagdamot sa kanya si Pops na matulungan siya tungkol sa pagkanta. Anyway, wala pa ring ideya si Gabby kung mag-on na ngayon ang anak niyang si KC Concepcion at Richard Gutierrez. Sabi ni Gabby, minsan daw ay binibiro-biro niya si KC tungkol kay Richard, pero ikinatuwiran daw nito sa kanya na may gagawin lang silang pelikula, kaya patuloy silang natsitsismis. Wala raw siyang lakas ng loob na tanungin si KC tungkol kay Richard. “Siguro kung siya ang magkukuwento sa akin, makikinig lang ako. Pero, hindi ako magtatanong sa kanya, na parang napaka-tsismoso ko naman. “Hindi ko gagawin `yon sa kanya. Personal na niya `yon at ipinauubaya ko `yon sa kanya,” sabi na lang ni Gabby. Source: Abante |