Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bea, nami-miss si Sam

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

NAGTAPOS na kahapon ang Your Song Presents Someone to Love na pinagtatambalan nina Bea Alonzo at Sam Milby kaya hindi naitago ng aktres ang nararamdman niya tungkol kay Sam.

"Mami-miss ko siya," pahayag ni Bea. "Naging tuluy-tuloy rin kasi ang projects namin ni Sam together. Though nagkikita naman kami sa ASAP every Sunday, it's different kapag you work with the person in a series. "

After makatambal si Sam sa pelikula at telebisyon, muli namang makakasama ng aktres si John Lloyd Cruz sa isang movie na ipo-produce ng Star Magic.

"I'm very excited na makatrabaho ulit si John Lloyd at sana abangan ng mga nagmamahal sa amin 'yung next movie namin," sey pa ng aktres.

Eh, si Sam, miss na rin ba niya si Bea?

"Of course, miss ko na rin siya. Pero makikita ko pa rin naman siya every Sunday sa ASAP, kaya okey lang," reaksyon ng binata.

Si Sam ang kapartner ni Toni Gonzaga sa pelikula ng Star Cinema na Ang Tanging Pamilya na mapapanood na sa second week ng November. Kasama rin sa movie sina Ai-Ai delas Alas, Erap Estrada at introducing sii Mommy Dionisia Pacquiao.

The movie is under the direction of Wenn Deramas.

* * *

MARAMI ang nahihiwagaan sa isa sa bagong housemate sa Pinoy Big Brother Double Up. Sobrang tahimik daw kasi ng tinaguriang cutie server ng Quezon City na si Johan Santos. Hindi raw ito nagsasalita sa loob ng Bahay Ni Kuya kaya hindi nararamdaman ang kanyang presence.

Strategy kaya 'yon ni Johan para hindi mapag-initan ng kapwa housemates? In fairness, sa tatlong nomination nights, palagi siyang ligtas at mas nino-nominate ng housemates ang mga kasamahang maiingay at madadaldal.

Last Saturday, lima ang nominated for eviction sa PBB Double Up. Sila ay sina Delio, Jason ng house A at sina Tom, Patrick at Yuri ng house B.

Sino kaya sa kanila ang matsutsugi next week?

Source: People's Tonight