|
|
| Bea umamin sa ârelasyonâ nila ni Jake CuencaAuthor: Rommel Placente ANG pagkakapili kay Bea Alonzo ng ABS-CBN 2 para gumanap na title role sa I Love Betty La Fea ang maituturing niyang pinakamagandang nangyari sa kanyang career this year. âNung malaman kong ako ang gaganap na Betty, talagang sobrang natuwa ako, as in natulala talaga ako. Kaya ganun na lang ang pasasalamat ko sa ABS-CBN dahil sa akin nila ipinagkatiwang ibigay ang role na Betty,âsabi ni Bea nang makausap namin. Fulfilled si Bea sa mata-as na rating na nakukuha ng kanyang show kung saan ay kapareha niya rito ang ka-loveteam niyang si John Lloyd Cruz, na gumaganap bilang kanyang boss sa Ecomoda, Philippines. âYong kapatid ng assistant ko, âpag may hindi raw nakasasagot sa klase nila, ang ginagawa ng teacher ni-la ay pinapag-Betty La Fea dance bilang parusa. Naka-tutuwa na maraming sumu-subaybay sa show namin,â Visible ngayon sa telebisyon si Bea, pero matatapos na ang taon ay hindi pa rin siya napapanood sa pelikula ng kanyang mga tagahanga. âMay gagawin akong mo-vie with Sam (Milby), âyong And I love You So. Baka sa November 4 ay magsimula na kami ng shooting. Nag-story conference na kami para sa movie. Baka âyong movie namin ang magiging opening salvo ng Star Cinema next year. â Nitong Oct. 17 ay 21st birthday ni Bea. Pero hindi siya nagkaroon ng malaking party. Sa isang beach somewhere in Batangas niya ipi-nagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng kanyang pamilya at non-showbiz friends. âUmalis kami sa Manila noong October 16, tapos bumalik kami rito ng October 18. Mas pinili kong ma-ging intimate na lang ang pagdiriwang ko ng birthday ko. â Si Shaina Magdayao ang best friend ni Bea. Nang mismong birthday niya ay nagpunta ito sa condo na tinutuluyan niya para surpresang batiin siya. âKaso pagdating niya sa bahay, wala ako roon kasi nga nasa Batangas ako. Siya tuloy ang nasorpresa. Bale panga-lawang beses niya na akong gustong surpresahin. Last year, hindi niya rin ako naabutan sa house nang pumunta siya noong birthday ko. Sabi ko nga sa kanya, mag-text muna siya sa akin bago siya pumunta sa bahay ko. Ha!Ha!â natatawang kuwento pa ni Bea. Si Jake Cuenca ang sinasabing boyfriend nga-yon ni Bea, ano ang birthday gift nito sa kanya? âWala siyang gift sa akin. He texted me lang para bumati. And hindi na rin kami sobrang nag-uusap ngayon. At hindi ko naman siya boyfriend although inamin ko naman na lumalabas kami,â aniya. By the way, kasabay ng birthday nitong Oct. 30 ni Quark Henares (son ni Vicki Belo), inilunsad naman si Bea bilang bagong endorser ng Belo Essentials. Si Quark ang direktor ng commercial na ito ni Bea. Source: Taliba |