|
|
| Bea-John vs. Marian-Dingdong sa 2-14-10!Author: Jun Nardo MATAPOS magbigayan ng Star Cinema at GMA Films last Valentine's Day sa pagpapalabas ng kani-kanilang Love Day offering, mukhang hindi na ito mauulit sa February 14, 2010. Balita kasing head on muli ang collision ng Valentine offering ng dalawang movie companies next year. Wala nang puwedeng makapagpabago pa ng plano nila. Ibabalik ng Star Cinema ang Valentine movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na pinaghiwalay this year ng film outfit ng Channel 2. Makakabangga nito ang love movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes mula naman sa GMA Films. So it's Bea-John Lloyd versus Marian-Dingdong sa Valentine 2010, huh! Teka, paano na si Richard Gutierrez na tinaguriang Valentine King at ilang beses nang pinagbida ng GMA Films tuwing Araw ng mga Puso? Nangangamoy-intriga na naman 'yan, huh! Source: Abante |