Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Beach wedding nina Rica at Joseph, 'di matutuloy sa December

Beach wedding nina Rica at Joseph, 'di matutuloy sa December

Author: Abante

NAKAHANDA na si Rica Peralejo na kapag kasal na siya, na kapag nakita raw niyang hindi maganda ang maidudulot ng patuloy niyang pag-aartista sa kanyang pa- milya, ay igi-give-up niya ang showbiz life.

Sa ngayon ay nasa Umagang Kayganda si Rica as host. Pero in-terms of acting, ang Caregiver na yata ang huli niyang ginawa.

Hindi raw sa tumatanggi siya kung may offer man, pero, nag-aaral din kasi siya sa Ateneo de Manila at nandoon na rin ang mga limitasyon niya in-terms of roles.

Tinanong namin si Rica kung nagsisisi ba siya na nagpaseksi siya noon?

“Hindi naman, kasi hindi naman ako magiging ganito nga yon kung hindi dahil sa mga pinagdaanan ko rin. Hindi ko malalaman na may dapat pala akong baguhin. Pero past na 'yun, iba na ang Rica ngayon.

“It's just sad lang na kapag naggu-google ka ng name mo, 'yung mga sexy pictures pa rin, 'yung mga dati pa rin ang makikita mo, parang gusto mong sabihin, hindi na nga ako 'yan. Ha! Ha! Ha!”

Pastor sa Victory Christian Church ang mapapangasawa ni Rica at mas older si Rica ng 2 years sa guy. Pero, pareho raw silang siguradong-sigurado na sila na talaga ang para sa isa't-isa.

Na-appreciate rin ni Rica na bago mag-propose ang boyfriend niya sa kanya, nagpunta ito sa Amerika at hiningi muna ang kamay niya sa daddy niya at gayundin personal muna nitong kinausap ang mommy niya na pawang mga Catholic pa rin dahil siya lang naman ang Born-Again sa kanilang pamilya.

Totoo rin daw na hindi pa sila nagki-kiss sa lips ng boyfriend niya sa loob ng isang taon nilang mag-sweethearts.

“Siyempre, kini-kiss niya ako sa hands, sa cheeks, sa noo, pero hanggang doon lang. Noong una, parang ako, hindi niya ako kiniss! Siyempre, with my experience in the past. Pero ang sarap pala kasi, ang mas maa-appreciate mo 'yung relationship n'yo, hindi physical.”

The irony of it, kung si Rica ay nanggaling na sa iba't-ibang klase ng relationship in the past. Ang Pastor-boyfriend naman niyang si Joseph Bonifacio ay siya naman daw ang first girlfriend.

So, looking forward na siya sa honeymoon?

“But of course! Pero mas siya! Ha! Ha! Ha!” natatawang biro pa niya.
Na-move naman ang suppo- sedly December wedding nila ng January na of next year dahil na rin daw sa availability ng mga taong a-attend, dahil ang December is a busy month.

Wala pa raw silang exact ve- nue, but definitely, isang beach wedding ang magiging kasal nila. Ang mga kasamahan niya sa UKG na sina Kim Atienza, Pinky Webb ang magiging secondary sponsors. Her sister Paula Peralejo as the Maid-of-Honor. Ang anak daw ni Donita Rose ang ring bearer while Donita will be the host.

Ang sigurado raw na kukuhanin nilang ninang from showbiz ay si Sharon Cuneta na naging very close kay Rica nang gawin nila ang Caregi-ver movie.

Source: Abante