|
|
| Bearwin Meily muntik malunod sa Great Escape performanceAuthor: Gerry Ocampo MAPANGAHAS ang gina-wa ni Bearwin Meily sa segment ng Pinoy Records na Great Escape kung saan lumubog siya sa tubig na nakaposas ang dalawang kamay at nakakadena ang ka-tawan with matching kandado. Ang palabas, lulubog siya sa aquarium na puno ng tubig at doon sa ilalim ay ta-tanggalin niya ang posas at kadenang nakapulupot sa katawan na may kandado. Mapangahas ang gina-wang magic ni Bearwin dahil muntik na siyang malu-nod na ikinagulat at ikina-sindak ng staff at producer ng Pinoy Records dahil lampas na sa itinaning na oras ay hindi pa rin nakaaahon si Bearwin. Maging sina Richard Gomez at Benjie Paras na na-nonood ng mapangahas na magic ni Bearwin ay nabulabog nang hindi pa umaahon si Bearwin. Lahat ng tao sa studio ay nagsisiga-wan na buksan na ang takip ng aquarium para iahon si Bearwin. Mapapanood ang natu-rang escape act ni Bearwin na binansagang Pinoy Houdini dahil sa nakagugulat na ginawa sa Celebrity Dare portion ng Pinoy Records sa Sept. 26 ng gabi sa GMA Telebabad. Dahil sa ipinakitang ta-pang at galing ni Bearwin ay nagbitaw ng salita si Goma na willing siyang maging producer ng Pinoy magician sa hinaharap. * * * NAGKAROON ng pagka-kataon si Ara Mina na li-nawin ang kumakalat na text message linking her to Secretary Ronnie Puno sa presscon ng back to back Sinenovela sa Dramarama sa Hapon ng Siyete na Kaya Kong Abutin Ang Langit starring Iza Calzado at Tinik Sa Dibdib na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon. "Hindi ko nga alam. Pagkatapos kay Manny (Pacquiao), heto at kay Sec-retary Puno naman ikina-kabit ang pangalan ko. Pa-rang pinapalabas nilang desperada na ako," esplika ni Ara. Nagsimula raw siguro ang tsismis nang tumulong si-ya sa ipinatawag na presscon ni Rochelle Barrameda na isa sa mga maituturing niyang kaibigan sa showbiz "Nagpa-presscon si Rochelle at ang nasa likod no-on ay si Secretary Puno. Pero, kahit wala nga siya ro-on, heto at mayro-on na namang tsismis tungkol sa amin. Minsan, ikaw na ang tumulong, ikaw pa ang na-lalagay sa isyu," say pa ni Ara. Samantala, tuloy na ang pagtakbo ni Ara bilang Konsehal sa 2nd district ng Que-zon City sa 2010 election. Hindi na sila magkakalaban ni Konsehala Aiko Melendez sa naturang distrito dahil tapos na ang term nito at balitang vice mayor na ang tatakbuhin ni Aiko sa election. Dahil pulitika na rin lang ang napag-uusapan sa presscon kay Ara ay nai-tanong sa actress kung ano ang reaction niya sa sinabi ni Aiko na handa na itong makipagbati sa kanya para matapos na kung anuman ang isyu sa kanila. "Matagal na niyang (Aiko) sinasabi 'yan. Taong 2004 ko pa nari-nig 'yan, pero hindi pa nangyayari hanggang ngayon. Hindi ko alam kung magkakaroon nga kami ng pag-kakataong magkita o magkausap," ani Ara. * * * IPAMIMIGAY ni JC de Vera ang isa sa mga paborito niyang jac-ket sa mapalad na unang caller sa Cool Center ngayong Sabado pagkatapos ng Imbestigador ng GMA7. Muling maghaharap sina Shivaker at Mr. Cariñoso. Sa Wanted Honey, magkikita nang harapan sa first live radio talk show hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo ang look-a-like daw ni Francheska Farr, itinanghal na champion sa Are You The Next Big Star, at look-a-like daw ni Richard Gomez. Of course isang surprise sexy star ang bubulaga sa Hubad na Katotohanan sa laging inaabangang portion ng talk show kasama si sexy dancer Mae dela Cerna. Darating din sa show ang cast ng Kaya Kong Abutin Ang Langit with Iza Calzado at Tinik sa Dibdib with Sunshine Dizon. At sino naman kayang mapalad na viewer ng CC ang maka-pag-uuwi ng P10,000 worth of groceries? * * * GINAWA ni Bong Revilla Ang Panday. Kahit na malaking budget ang gugugulin niya, sa pakikipagtulungan ng GMA Films, ay hindi siya nag-da-lawang isip dahil ito ay tri-bute niya sa namayapang si Fernando Poe Jr. Para makasiguro na walang magiging problema sa pelikula sa kanyang pagkandidato, kinausap niya ang ilang tao sa Comelec at sabi raw sa kanya ay 'di sa-kop ng Comelec ban ang anumang movie o TV pro-ject na sangkot ang isang kakandidato sa taong ito. "Ang sabi nila, effective ang ban sa February 2010 pa. So, hindi tayo aabutin dahil by that time ay naipa-labas na sa mga sinehan Ang Panday. " esplika ni Bong. Right now, abala rin si Bong sa taping ng kanyang Kap`s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA. Source: Taliba |