Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bearwin halos mamatay sa ginawang magic trick

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

SA wakas, mapapanood na ang death-defying act ni Bearwin Meily sa bagong portion ng Pinoy Records na Celebrity Dare.

Halos ibuwis ni Bearwin ang buhay sa ginawa niyang escape act nang isinilid siya sa isang malaking aquarium na may takip na bakal sa ibabaw habang nakakadena ang katawan at nakaposas ang dalawang kamay.

Paano napagtagumpayan ni Bearwin ang escape act?

Tunghayan ito ngayong Sabado sa Pinoy Records nina Manny Pacquiao at Chris Tiu.

Siyempre hindi mawa-wala ang PET (Pinoy Extreme Talent) na binubuo ang apat na contestants. Mapapanood din ang Celebrity Face Off nina Kris Bernal at Jef Gaitan ng Survivor Philippines 2 kungsino ang tatanghaling cheerleading queen.

* * *

ISINUSUMPA na umano ni Blakdyak ang shabu at hinding-hindi na niya babalikan ang anumang bisyo na nagpabagsak sa kanyang showbiz career noon.

Ito ang nilinaw ni Blak-dyak sa presscon para sa launching ng latest album niya sa Cowboy Grill-Mabini.

Ang bagong album ni Blakdyak na Blakdyak's Tribe Sino Ba? ay produced nina Helen Cruz at Bob Cruz at ng kanilang Twinkle 21 Productions at distributed by Viva Recording Company.

Tinalikuran na niya ang anumang bisyo at happily-married na siya sa asawang si Twinkle Formaran, at tumatayong manager niya ngayon.

Ipinaliwanag naman ni Twinkle na may mabigat na dahilan kung bakit hindi nakakasipot si Blakdyak sa natanguang commitments.

Isa rito ang masamang panahon dahil stranded ang lahat ng eroplano patungong Boracay.

Dagdag ni Twinkle, ibinalik naman nila ang buong downpayment worth P47,000. Depensa pa ni Twinkle, never nambitin ng alinmang commitment si Blakdyak.

Nawala lang sa local scene ang asawa dahil mas pinili nitong mag-perform sa abroad. Kaya ngayon din lang nagkaroon ng bagong recording ay nag-concentrate siya sa abroad.

At para makatulong sa mga biktima ng bagyo, agad nagprisinta si Blakdyak kay Ogie Alcasid na sasama sa benefit concert nito sa Ara-neta Coliseum sa Nov. 14.

* * *

KAABANG-ABANG panoorin ang episode nga-yong gabi sa Celebrity Duets, hosted by Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Ang theme kasi ng show ay Close To You at ang contenders ay makikipag-duet sa kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan o asawa.

Si Nonito Dinaire ay makaka-duet ang asawang karatista na si Rachel.

Habang si Gina Pareño ay makaka-duet ang anak na si Ryan Eigenmann.

Si Niccolo Cosme naman ay makakasama si Ate Glow while Joel Cruz will render a duet with Lovi Poe.

Si Maxie Cinco ay makaka-duet ang actor-friend na si Phillip Lazaro.

* * *

PURSIGIDONG ituloy ni Tourism Sec. Ace Durano ang balak na gawing Hollywood of Asia ang Pilipinas.

Alam kasi ni Sec. Durano na maraming magagandang lugar ang Pilipinas na bagay maging set ng malalaking movie poutfits ng Hollywood.

Ilan sa matagumpay na pelikula sa Hollywood na kinunan sa bansa ay ang An American Guerilla in the Philippines ni Tyrone Power; No Man Is An Island at Merill's Marauders ni Jeff Chandler; Apocalypse Now ni Marlon Brando at Missing in Action ni Chuck Norris.

Si Durano, kakandidatong senador sa 2010 elections, nakikita na darami ang trabaho at negosyong may kinalaman sa turismo sa sandaling samantalahin ng Estados Unidos at iba pang foreign studios na sa Pilipinas mag-shoot ng kanilang pelikula.

* * *

PANGUNGUNAHAN nina Vicky Morales at Richard Gutierrez ngayong Sabado sa GMA-7 ang tungkol sa trahedyang dala ng bagyong Ondoy entitled Baha, Bahay, Buhay: Imbestigador Special Report.

Ikukuwento nila kung ano ang silbi ng baha sa kalikasan at kung paano pinapanatili nito ang balanse sa ating ecosystem.

Ilalahad ng docu-drama ang koneksyon ng pagpapahalaga sa kalikasan at ng ating kaligtasan at kasama ang mga eksperto ay aalamin nina Vicky at Richard ang mga dahilan sa likod ng matin-ding pagbaha sa loob at pali-gid ng Metro Manila na dulot ng bagyong Ondoy. Kaya tutok na sa Imbestigador Special Report nga-yong 9:45 ng gabi sa GMA-7.

* * *

TULOY na ang face off nina Mr. Cariñoso at Guru Shivaker sa Cool Center nina Eugene Domingo at Anjo Yllana, ngayong Sabado.

Patindihan ng moves, patindihan din ng love advice. Sino kaya ang magwawagi?

Sa wakas maghaharap na ang look-a-like nila Fren-cheska Farr at Richard Gomez. Magkagustuhan kaya sila?

Source: Taliba