|
|
| Beauty queen na nali-link kay Tonyboy, nagsalita naAuthor: Gerry Ocampo NAG-REACT na ang former beauty queen na si Janina San Miguel sa isyung "inaagaw" niya si Tonyboy Cojuangco kay Gretchen Barretto. Say ni Janina, trabaho lang sa TV5 ang pinag-uusapan nila ni Tonyboy, wala nang iba pa. Hindi raw niya inaagaw si Tonyboy kay Greta. Nagsalita si Janina sa The Sweet Life ng QTV 11 kahapon, kung saan kasama niyang nag-guest sina Carla Humpries at Mocha. Sa Wednesday, ise-share naman ng mga sikat na hairdresser na sina Bambbi Fuentes, Pin Antonio at Baba Parma ang latest trends sa haircut at hairstyles. Sasagutin din nina Dingdong Avanzado at Rachel Alejandro, JC de Vera at Pauleen Luna ang tanong kung totoong ex-lovers can still be friends. Ano kaya ang magiging reaction ng misis ni Dingdong na si Jessa Zaragoza sa muli nilang paghaharap ni Rachel sa TSL? * * * NATUPAD na rin ang matagal nang inaasam-asam ng Marvin Agustin at Jolina Magdangal fans na bigyan ng teleserye ang kanilang mga idolo. Dininig ng GMA-7 management ang kanilang pakiusap dahil sina Marvin at Jolens ang mga bida sa Adik Sa 'Yo, ang programang papalit sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Siguro naman ay wholesome at mabait ang papel na gagampanan ni Marvin sa naturang teleserye. Lagi na lang kasing kontrabida o salbahe ang roles niya sa TV, eh. Malaking tulong naman kay Jolens ang pagiging abala sa trabaho para lubusang maka-move-on sa pakikipaghiwalay kay Atty. Bebong Muñoz. Teka, hindi kaya sina Marvin at Jolina talaga ang tinadhana para sa isa't isa? Aminin man nila o hindi, minsan na rin naman nilang minahal ang isa't isa. 'Yun nga lang, naudlot ang pagmamahalang iyon dahil sa ilang hindi inaasahang kadahilanan. Source: People's Tonight |