Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Becky Aguila denies mistreating ex-employee

Becky Aguila denies mistreating ex-employee

Author: Julie Bonifacio

Nagsampa na si Jennylyn Mercado ng kaukulang demanda sa dating staff ng manager niya na si Becky Aguila sa Quezon City Trial Court last October 28. Sinampahan ng 19 counts of qualified theft through falsification of commercial documents and nine counts of falsification of commercial documents ni Jen ang dating staff sa talent agency ni Tita Becky na si Mel Pulmano sa Fiscal's Officekay AssistantCity Prosecutor Dindo Venturanza.

Ayon sa source ng ABS-CBN.com kinailangang magsampa ni Jennylyn ng kaukulang kaso laban kay Mel dahil kung hindi ito gagawin ng young actress ay posible na siya ang habulin nu'ng mga binigyan ng cheke niya kung saan pineke ang kanyang pirma. Na dini-deny naman diumano ni Mel.

Pinagbabawalan si Mel ng kanyang abugado na magsalita at haharapin na lang daw niya ang lahat sa proper venue sa tamang panahon lahat ng accusations sa kanya. Sabi naman ng kampo ni Jennylyn dapat talagang harapin ni Mel ang mga ginawa niya sa young actress. Inubos daw ni Mel ang pera ni Jennylyn. May mga inutangan pa raw si Mel na ibang tao na kesyo si Jennylyn ang nangungutang. Isa na rito ang kasamahan ni Jennylyn sa agency ni Becky na si Valerie Concepcion. Mabuti na lang daw at hindi binigyan ni Valerie ng halagang P100,000 si Mel na siyang hinihingi bilang utang daw ni Jennylyn. Bagaman, nakapagbigay pa rin daw si din si Valerie ng halagang P30,000 kay Mel sa pag-aakalang si Jennylyn ang nagungutang sa kanya.

Kinailangan daw na idemanda ni Jennylyn si Mel dahil kung hindi siya naman ang hindi titigilan sa paniningil at baka mademanda pa ng mga inutangan ng dating staff ni Becky na walang kamalay-malay ang young actress. Masakit man daw kay Jennylyn na gawin itosa dating staff ni Beckydahil minahal at nagtiwala siya rito, she was left with no choice na magsampa ng kaukulang demanda para matuturuan din ng leksyon dahil mali ang kanyang ginawa at dapat niyang harapin.

Ayon pa sa source, wala raw natira sa bank account ni Jennylyn bukod sa P2,000.Kaya ngayon ay nag-open si Jennylyn ng bago niyang bank account sa tulong ng kanyangn manager para gamitin sa pagsisimula niya dahil naubos daw ni Mel ang pera niya. Pinahiram ni Becky si Jennylyn ng pera para panggastos nila ng kanyang anak na si Baby Jazz habang wala pa siyang masyadong project. At the same time siya pa rin ang breadwinner sa pamilya niya.

Pagkatapos ni Jennylyn, nakatakda namang magsampa rin ng kaukulang demanda si Becky laban kay Mel.Isa-isa ring sinagot ni Tita Becky ang mga sinabi ni Jennylyn sa 'Startalk' tungkol sa kanya. Una, sinabi ni Mel na pinainom daw siya ni Becky ng valium. Sa kwento ni Mel sa isang showbiz program sinabi niya kay Tita Becky na nahihirapan siyang makatulog nitong nakaraang araw. Ang nirekomenda sa kanya ni Becky ay valium. Pagkainom daw niya nito, apat na raw siyang tulog. "I'm not a drug user. Kung uminom siya nga valium, sabi nga ng asawa niya parang nakainom ng Zonrox, aba'y wala ako'ng kinalaman doon. Ako nga hindi gumagamit ng valium. Hindi nga kami nagkikita noon dahil galit ako sa kanya. Dahil may hiniram siyang pera sakaibigaan ko na hindi niya ipinaalam sa akin," lahad ni Becky.

Sinabi rin ni Mel na kinumbinse raw siya ni Becky na sabihin kay Jennylyn na ibenta sa kanyang manager ang bahay niyaworth P3 millionpara tanggihan ang offer ng GMA. May offer daw kasi that time kay Jennylyn ang GMA7 for a new contract. "Nahihiya rin ako sa GMA7baka isipin nila purposely ko itong ginawa. Walang kinalaman ang contract sa GMA kasi bago pa man nagpadaka ng offer ang GMA nabili ko na ang bahay ni Jen at alam ni Mel na kaya ko binili 'yun ay para isalba si Jen coz kinakailangan na niya ng pera. I gave her P1 million plus binayaran ko 'yung six and a half years na monthly authorization sa bangko.'Yung P1 million two installmenrts 'yun na inubos ni Mel. With regards sa offer ng GMA7 kay Jennylyn, the offer was really nice except ang haba ng length,. May mga bagay na hindi napagkasunduan kaya nakipag-compromise kami na si Jento stay put naman sa GMA7 as long as mapapangalagaan nila si Jen. Si Melaccountable siya kay Jen ng close to P500,000 plus'yung missing checks saFAN-A-TEXT. Kaya umabot sa millions ang utang niya came about sa iba't ibang mga tao na unutangan niya usingJen's name, my name and my agency.Ang per asana ni Jen aabot pa hanggang January. kasi tinitipid 'yun hanggang magka-project siya. Nahihiya ako sa mga taong nagtiwala sa agency ko na inutangan niya gamit ang pangalan namin ni Jen. So, kung mahal niya si Jen bakit niya nagawa ito?"

Nagpaliwanag din si Becky sa sinabi ni Mel na pagpunta niya sa casino? "Dalaga pa ako nagpupunta na ako doon. Walang namang masama dahil pera ko ang ginagamit ko doon. At hindi ko ginagalaw ang pera ng ibang tao. Karapatan ng bawat tao ang mag-enjoy. At kaya ako nagpupunta doon dahilinaaliw ko ang Nanay ko na may sakit." May bintang din ni Mel na hindisinuswelduhan ni Beckyang kanyang staff. "Nag-resign sila through text. Two of my staff resigned through text. Si Mel nagsabi magba-bakasyon siya. This is them time na nagalit ako kay Mel dahil nakahiram siya ng pera sa isang kaibigan ko without my knowledge. So, nagusap-usap sila ng staff at mga kaibigan niya kasi 'yun,so, two of my staff resigned through text and I toldbefore you even get your salary signed a quit claim and get your 13 months payment. E, kaso nga si Mel bumalik sa akin."

Nagbanta rin daw si Mel na magsasampa ng kaso laban kay Tita Becky sa Department of Labor and Employment. "Go ahead. Basta doon tayo sa korte. Lahat ng gustong ikaso,go ahead. wala akong kinakatakutan. I'm clean dahil wala akong kasalanan.Tantananlang niyaang pagtiti-text to misinform everyone at sirain kami pati talents ko dahil dinadagdagan lang niya ang kaso niya." Kinuwento pa raw ni Mel na lagi silang nag-aaway ng isa pa'ng alaga ni Tita Becky na si Angel Locsin araw-araw. "Open naman na it's not a perfect relationship. May mga arguments but were not fighting naman everyday. Exaggeration namn 'yun dahil hindi naman kami nagkikita ni Angelaraw-araw. Idinamay pa niya si Angel. Nahihiya ako sa family ni Angel and most especially to Angel," tapos ni Becky.

Source: ABS-CBN Interactive