|
|
| Becky Aguila on Jennylyn Mercado: "Hindi ko siya pinababayaan."Author: Nitz Miralles
Matatandaang naglabas ng kanyang sama ng loob si Jennylyn sa taped interview niya sa The Buzz noong September 30. Ayon sa young actress ay naapektuhan ang kanyang career sa alitang namagitan kay Becky at sa GMA-7 bunsod ng paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. "Sino ba naman ang di maiiyak, di ba? The feeling na na-abandoned ka and everything. Kasi na-freeze na nga ako at naapektuhan ako tungkol sa ginawa nila. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob, di ba?" pahayag ni Jennylyn. Pero pinabulaanan naman ni Becky na pinabayaan niya si Jennylyn. Sa interview naman nito sa Entertainment Live noong October 6, sinabi ni Becky na, "I did my part as a manager. And also as a second mother to her, I lifted her spirit and I told her, ‘Hindi kita pababayaan because nga may ganyang problema.' And hindi ko magawa yung function ko as a manager sa network...I mean for Jennylyn. So I got her several projects outside [GMA Network]." Dagdag pa niya, "Jennylyn will always be my alaga. It will always be for her upliftment and kung anuman yung para sa best interest niya, kung kailangan munang mag-sacrifice, tanggap ko 'yan. Anything that would do her good. Jennylyn is really very special. Mahal na mahal ko si Jen." Samantala, ibinalita ni Becky sa PEP na may concert si Jennylyn sa Zirkoh sa November 24. Guests ni Jennylyn sina Janno Gibbs, Jay-R Siaboc, Valerie Concepcion, at Nyoy Volante. Ayon pa kay Becky, raw totoong puro ABS-CBN stars ang inilagay niyang guests sa concert ni Jennylyn dahil sina Jay-R at Valerie lang daw ang taga-Dos. Source: Philippine Entertainment Portal |