|
|
| Becky itinanggi ang balitang lilipat si Angel Locsin sa Viva FilmsAuthor: Vinia Vivar Itinanggi ni Becky Aguila, manager ni Angel Locsin, ang napabalitang paglipat ng young actress sa Viva Films at ang diumano ay pakikipag-meeting nito sa Viva execs nang hindi niya nalalaman. Natawa na lang si Tita Becky sa tsismis na aniya, hindi niya alam kung saan nanggaling. Nilinaw ng talent manager na mananatiling Kapamilya si Angel. In fact, may bago itong show sa ABS-CBN na lalabas ngayong October. "It's something new and we're all excited na tinanggap niya ito," sabi ni Tita Becky sa text message sa amin. Nakaplano na rin daw ang mga pelikulang gagawin ni Angel sa Star Cinema at tuloy na tuloy pa rin daw ang movie nito with Aga Muhlach, pero baka January na maumpisahan since may ginagawa nga ang aktor with Regine Velasquez. Ang next soap naman ni Angel ay baka sa first quarter of 2010 pa raw mapanood kaya abangan lang ng fans ng dalaga. Ito ay pagpapatunay lamang na hindi totoo ang balitang lilipat na si Angel sa Viva Films. Anyway, sa ngayon ay abalang-abala pa rin si Angel sa pagtulong sa mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng. Katunayan, nag-organize pa ito ng proyekto kasama ang iba pang kasamahang artista, ang Shop and Share, kung saan ay nagsusubasta sila ng kanilang designer items at ang proceeds ay mapupunta sa Philippine National Red Cross. "She's so busy with her charitable projects at kakaibang happiness and fulfillment ang nararamdaman niya kapag nakakapagbigay siya ng tulong," say pa ni Tita Becky. Dagdag ng talent manager, ang nasa Viva ay si Jennylyn Mercado, co-manager sila ng Viva Artists Agency sa young actress pagdating sa pelikula at sa commercial. Pero sa TV carreer, solo niya ang pagma-manage kay Jen. Si Valerie Concepcion naman ay may lalabas na boxing instructional DVD under Viva. Dalawa sa alaga niya ang nasa Viva kaya siguro pati si Angel ay natsitsismis na lilipat. Source: People's Tonight |