Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Becky to Patrick: Leave Jennylyn alone!

Author: Vinia Vivar

NAKALABAS na ng hospital si Jennylyn Mercado last Tuesday at sa ngayon, nagpapahinga na siya sa bahay.

Na-confine ang young actress last Sunday sa St. Luke's Medical Center due to a lot of stress lately.

Ayon sa obstetrician ni Jen na si Dra. Judy Ann Uy, sa mata pa lang ng young actress, kitang-kita na ang matinding stress na pinagdaanan nito.

Ang mga hindi magagandang text message umano ni Patrick Garcia ang dahilan kung bakit na-stress nang husto si Jen. Diumano pa, ikinagagalit ng aktor ang pagkaka-link ng ex-girlfiend sa isang DJ named Andrei Felix.

Naka-save raw lahat ang mga nasabing mensahe kaya hindi puwedeng mag-deny si Patrick.

Sobrang disappointed ang manager ni Jen na si Becky Aguila nang mabasa ang mga mensahe ni Patrick. Awang-awa siya sa alaga na mag-isa na nga raw dinadala ang responsibilidad ng pagbubuntis, nagagawa pang saktan ng ama ng dinadala nito.

Ang mensahe ni Tita Becky kay Patrick: "Leave Jennylyn alone!"

* * *

NASA bansa na nga ang U. S. host ng Deal or No Deal na si Howie Mandel.

Dumating siya last Tuesday morning at kinagabihan, binigyan siya ng ABS-CBN ng red-carpet presscon with our very own Kapamilya Deal or No Deal host, Kris Aquino.

Pumunta ng Pilipinas si Howie para mag-tape ng two-hour special episode ng Kapamilya Deal or No Deal with Kris na ipalalabas sa U. S.

The Philippines is one of the three countries chosen to be part of Deal or No Deal - Around the World covering Asia, Europe and Africa. Ang dalawa pang bansang napili ay Estonia at Africa.

Isa ang Pilipinas sa masusuwerteng napili dahil ayon sa Endemol USA manager of production Shannon Herlihy, they found our Philippine version of DOND "awesome and fun. "

Maging si Howie, hangang-hanga sa bersyon natin, partikular na sa ginawang pagho-host ni Kris.

Ayon nga sa VTR na ipinalabas, ang KDOND ang noisiest version at pinatunayan ito ng clips na ipinakita sa previous episodes, kung saan ay sobrang saya at ingay sa studio habang naglalaro.

Sa special episode na ite-tape nina Howie at Kris, dalawang American contestants ang maglalaro according to the rules of the Philippine franchise, pero ang nilalaman ng briefcase ay hindi pesos kundi dollars.

Mapapanood sa May 7 sa U. S. ang nasabing episode at masuwerte rin ang 26K Girls, pati na si Banker, dahil kasama rin sila sa show.

* * *

AYON kay Aga Muhlach, his wife, Charlene Gonzales always makes it a point to attend all the premiere night of his movies, kaya malamang na kasama niya ito sa premiere night ng When Love Begins on April 29.

Sobrang pasasalamat daw niya sa pagkakaroon ng understanding wife na tulad ni Charlene dahil never itong nagselos sa mga nagiging leading lady niya.

Kapag kasama nga raw niya itong nanonood ng movie at may kissing scene siya with his partner, walang-wala raw siyang naririnig na reklamo mula sa asawa.

Sa When Love Begins, may love scenes din sila ni Anne at walang kakaba-kaba si Aga na pagseselosan ito ni Charlene.

Source: People's Tonight