Oct 13
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Bernard Palanca for good na sa Australia

Kahit full trailer pa lamang ng Caregiver (15th anniversary presentation ng Star Cinema) ang panoorin  mo, hindi mo na mapipigilang maiyak habang pinanonood ito.  Para kay Sharon Cuneta, ang Caregiver na ang pinakamahirap na pelikulang nagawa...

 

Bernard Palanca for good na sa Australia

Column: Rated A
Author: Aster Amoyo

Kahit full trailer pa lamang ng Caregiver (15th anniversary presentation ng Star Cinema) ang panoorin  mo, hindi mo na mapipigilang maiyak habang pinanonood ito. 

Para kay Sharon Cuneta, ang Caregiver na ang pinakamahirap na pelikulang nagawa niya sa mahigit na 50 movies niya in 30 years na niya sa showbiz. Hindi lamang dahil sa role na inamin niyang nahirapan siya talaga, kundi sa sobrang puso na kalakip ng story, kaya 100% daw ang saludo niya sa mga Pinoy caregivers and OWFs, dahil naranasan niya kahit paano ang nararanasan nila sa pagtatrabaho abroad.

 First time rin niyang nakapagtrabaho sa halos four seasons sa London, umaaraw, umuulan at umulan pa ng malalaking butil ng yelo, at kahit hindi siya ma-allergy na tao, nagkaroon siya ng rashes halos sa buo niyang katawan dahil sa sobrang lamig.

Kung masaya ang presscon dahil sa pag-reminisce nina direk Chito Roño, Sharon, Rica Peralejo, John Estrada, Makisig Morales at Jhong Hilario ng mga nangyari sa kanila sa London, masaya rin si Sharon sa pagsagot after the presscon sa mga tanong, pero nang tanungin siya sa balitang nag-propose na ng marriage si Ryan Agoncillo kay Judy Ann Santos, hindi naging convincing ang denial ni Sharon na wala siyang alam tungkol doon dahil kausap daw niya ang Sis (Juday) niya, pero walang sinasabi sa kanya.

Nang banggitin na November 5 daw ang wedding date, nakangiti siyang nag-react. Ang dami-dami raw namang date, bakit iyon pa ang napiling date ng dalawa, kaya nagkatawanan nang sabihin niyang birthday kasi iyon ni  Gabby Concepcion.

Pero kung totoo raw na magpapakasal na ang dalawa, masayang-masaya siya para sa kanila dahil for three years nakita raw niya ang happiness ni Juday kay Ryan. Sa tanong kung papayag siyang maging ninang ng dalawa, pwede raw bang mag-ninang sa kapatid, pero kung kukunin daw siya, papayag siya.

Sa  tanong sa kanya kung sakaling totoong lilipat na si Juday sa GMA Network kapag natapos ang contract nito sa ABS-CBN, kung magiging masaya raw si Juday, maiintindihan niya kung iyon ang magiging desisyon nito.

Premiere night ng  Caregiver sa May 27 sa SM Megamall Cinema 10 at opening day sa May 28.

* * *

In connection sa napapabalitang malapit nang pagpapakasal nina Judy Ann at Ryan, may nag-forward sa amin ng text message na sagot diumano ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo nang tanungin niya tungkol sa issue: "Even the biggest diamond in the world nor a wedding ceremony can't guarantee they will live together forever!  What excites me more nowadays is the fact that minus the marriage, Juday & Ryan are happy together than any couple who spent millions for a grand wedding w/c didn't even last longer than the time they spent in saving that money they wasted in the wedding. "

* * *

Balitang narito ngayon sa bansa ang dating member ng Hunks at Star Magic talent na si Bernard Palanca. 

Umuwi raw dito si Bernard from Australia noong Sunday, May 11 para makasama ang inang si Pia sa Mother's Day. Hindi kasi nakauwi noon si Bernard nang yumao ang stepfather niyang si Dr. Lorenzo Hocson, director of San Juan Medical Center.

Ayon sa kausap namin, umuwi si Bernard dahil may aayusin ito since gusto na nitong mag-stay na talaga sa Australia. Madali raw naman kasing maging resident ng Australia. Wala na raw namang naiwanang contract si Bernard sa Star Magic nang umalis ito sa bansa.  Napangiti lamang ang kausap namin nang tanungin kung dadalawin kaya ni Bernard ang anak nila ni Meryll Soriano na si Elijah who's eight months old na ngayon.

Kahit si Meryll nang tanungin namin tungkol kay Bernard, wala itong masabi maliban sa nasa Australia ito, hindi raw nito alam kung ano ang trabaho roon, pero wala raw silang communication.  Pero close pa rin daw naman siya sa family ni Bernard at madalas na dinadalaw ng mga ito ang anak nilang si Elijah.

Source: The Philippine Star