Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Best actress trophy, dream ni Anne Curtis!

Best actress trophy, dream ni Anne Curtis!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

EVERYDAY ay nakakatanggap kami ng text message kay Maricel Soriano. Narito ang sample ng mga tini-text niya sa akin:

"Starting your day with GOD will keep you "Sweetened Up" and full of confidence. As you enjoy HIS gentleness and kindness, you will be built up in your spirit and better able to overlook the offenses of other. Ask GOD to give you a strong heart, one ready to love people today as He does.

"This is what GOD promises us. We are guilty and helpless. But GOD loves us, and "HE saved us, not because of righteous things we had done, but because of HIS mercy" (Titus 3:5). Never forget: "GOD did not send HIS Son into the world to condemn the world, but that the world through HIM might be saved" (John 3:17).

"Don�t think it doesn�t matter how you live; it does! It matters to GOD, and it matters to HIS Holy Angels. It also matters to those around you. JESUS said, "Let your light so shine before men, that they may see your good works and glorify your Father in heaven"(Matt.5:16).

***

At 20, adult na ang tingin ni Anne Curtis sa kanyang sarili. Kaya parang nagkukumahog ang dalagang bida sa Kampanerang Kuba sa pag-i-invest.

Hindi man kami close kay Anne, natutuwa naman kami sa mga artistang tulad niya na sa murang edad ay marunong na ring mag-ipon at paghandaan ang kanilang kinabukasan.

Nu�ng nag-18th birthday si Anne, binalak niyang magpatayo ng bahay, o �yung dream house na sinasabi niya. At ngayong 20 na nga siya, halos patapos na ang bahay na �yon, na Victorian inspired daw.

Pinagpaguran daw ni Anne �yon, na ang halos lahat ng kinikita niya sa TV sa ABS-CBN at sa mga commercials na ginawa niya ay sa house na �yon niya dinadala.

Wish ni Anne na bago matapos ang 2005 ay makalipat na siya sa dream house niyang �yon, na hindi ako sigurado kung ilang milyon inabot.

Pero, may isa pang dream si Anne ngayon. Sabi niya, sana raw ay magkaroon na siya ng award sa susunod na taon.

Well, kung magiging mapili siya sa mga roles na tatanggapin niya at hindi �yung sunggab lang siya nang sunggab, puwedeng matupad ang dream niya na magkaroon agad ng award. Pero, hindi naman minamadali ang award, �no!

Si Juday nga, ilang taon muna ang lumipas bago talaga siya nakakuha ng award sa mga credible na award giving bodies, at �yon ay sa tulong ni Joel Lamangan, ha.

Kung gagawa si Anne ng mga pelikulang magaganda at matitino, na iha-handle ng mga mahuhusay na director, siguradong matutupad niya ang kanyang wish.

***

Golden Globe nominated actor Simon Baker (The Guardian) ay lumabas na bida rin sa pelikula ng DreamWorks Pictures, ang horror sequel na The Ring Two, kasama si Naomi Watts at Sissy Spacek.

Si�Simon ang gumanap na Max Rour-ke, isang re-porter�na nagtatrabaho sa Asheville Gazette.

Pero sa pelikulang Land�of the Dead, gumanap si Simon bi-lang si Ri-ley, na li-der ng mga mercena-ries.

Ang Land of the Dead ay nilikha ng le-gen-dary film-maker na si Ge-orge A. Rome-ro. Dream come true ito para kay Simon, dahil noong 17 years old siya ay pangarap na niya ang makagawa ng pelikula na may tema ng mga zombie. Kasama ni Simon sa peliku-lang ito sina Asia Argento, Dennis Hopper, John Legui-zamo, mula sa Universal Pictures. Ang Unitel Inter-national Pictures at Solar Enter-tainment Corpora-tion ang nag-release nito sa Pilipi-nas.

Source: Abante