Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Bianca Lapuz, naiyak nang maaprubahan ang annulment nila ni Vhong Navarro!

NAAPRUBAHAN na nga ang annulment nina Vhong Navarro at Bianca Lapuz. Kuwento ni Bian­ca, napaiyak siya nang ilabas ang resulta ng annulment nila ni Vhong. Sabi pa ni Bianca, napaiyak siya nang mala­man niya kung ano ang mga naging grounds fo...

 

Bianca Lapuz, naiyak nang maaprubahan ang annulment nila ni Vhong Navarro!

Author: Rose Garcia

NAAPRUBAHAN na nga ang annulment nina Vhong Navarro at Bianca Lapuz. Kuwento ni Bian­ca, napaiyak siya nang ilabas ang resulta ng annulment nila ni Vhong.

Sabi pa ni Bianca, napaiyak siya nang mala­man niya kung ano ang mga naging grounds for the annulment of their marriage.

“Ako kasi ang luma­bas na masama dahil si Vhong ang nag-file. Pero noong una, akala ko, kahit siya ang nag-file, hindi naman ako 'yung lala­bas na masama. Gi­ven na 'yung mga psychologically incapacitated sa mga ganyang annulment process, pero, 'yung mga ibang grounds na nakalagay roon, tulad ng unfit mother, may dine-date akong iba, siyempre, naging napakasakit para sa akin noon.

“Nang makausap ko si Vhong, umiyak din siya. Parang hindi rin daw niya sukat akalain na lala­bas. Na ganoon ang mangyayari. Nahihiya rin daw siya kay Jimmy (Velasquez),” ang ba­gong ka-relasyon ni Bian­ca at ama ng ikalawa niyang anak.

“Sabi rin ni Vhong, ang tagal daw niyang hinintay, pero nga­yon, hindi siya makapag-ce­lebrate,” kuwento ni Bianca.

On Bianca's part, naapektuhan daw siyang tala­ga hindi lang emotionally kundi pati financially.

“Sinabi ko kay Vhong na ako, hindi lang sa emotional aspect naapektuhan.

Pati financially, kasi, nasa events ako ngayon. Meron akong events for moms na ako ang nagho-host for two years na, pero, biglang nawala sa akin. May ibang shows rin na nawala, siyempre, ang daming naglabasan na ako 'yung lumalabas na masama.”

Matagal din daw siyang nanahimik dahil ayaw raw niyang may masaktan, even si Vhong, ayaw raw niyang maka­gawa ng harm dito dahil alam niyang may career.

“As of now, hindi ko alam, gulung-gulo ako. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Siyempre, hindi ko rin gustong lumabas 'yung galit dahil mahal ko rin naman ang pa­milya ni Vhong. Mahal ko rin ang family ko na alam ko na mas higit na nasasaktan sa mga luma­labas.

“I'm torn between my family and his family. Kailangan kong magsalita to protect my family and ayoko rin namang maka-harm sa father ng anak ko kung anuman ang puwede kong sabihin.”

Aminado si Bianca na on her part, she ne­ver participated daw talaga sa lahat ng annulment process na naganap. 'Yun nga raw 'yung reason na noong buhay pa ang kanyang ina, bago sila magpa-chemotherapy ay ito pa ang nakatanggap ng papers kunsaan, nakalagay roon ang lahat ng grounds na ibinigay ni Vhong against her na ang mommy pa niya mismo ang nakabasa.

Rason kung bakit sa deathbed ng kanyang ina, humingi ng tawad si Vhong noon.

Pero, kahit ma­rami raw lumala­bas against her, hindi naman daw niya itatangging masaya siya sa na­ging resulta dahil she's very happy na naman daw with her relationship for two years sa ama nga ng ikalawang anak niya.

Kung meron man daw concern si Bianca na si­gurado siyang ma­ging si Vhong din, ito ay ang anak nilang si Isaiah or Yce na kasalukuyang nasa grade 4. Apektado raw ito at napaaway pa sa isang schoolmate.

Source: Abante