Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bianca, palaban sa Ms. Universe '09!

Bianca, palaban sa Ms. Universe '09!

Author: Abante

NGAYON ang coronation night sa Bahamas ng 2009 Miss Universe winner at live ito na mapapanood sa ABS CBN at Velvet Channel.

Maagang mag-rereport sa ABS studio si Ruffa Gutierrez dahil siya ang host ng Miss Universe Primer sa Ruffa & Ai.

Makakasama ni Ruffa sa primer ang kapwa niya beauty queens na sina Charlene Gonzales (1994 Bb. Pilipinas-Universe) at 1999 Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao.

Tumutulong si Ruffa sa promo at publicity ng mga show niya sa ABS dahil siya mismo ang nagpapadala sa mga entertainment columnist ng mga guest line-up sa morning program nila ni Ai Ai delas Alas.
***

Si Pamela Bianca Manalo ang official candidate ng Pilipinas sa 2009 Miss Universe Contest. Every year, palaging sinasabi na malaki ang tsansa ng mga Filipina candidate na makuha ang Miss Universe title, pero maliban sa special award na Miss Photogenic na idinadaan sa Internet voting, umuuwing luhaan ang ating mga representative.

Malalaman natin ngayong umaga ang magiging kapalaran ni Bianca.

Makukuha ba niya ang elusive beauty title o siya ang mananalo na Miss Photogenic, courtesy ng mga Internet addict Pinoys? (JOJO GABINETE)
***

Marami ang humanga sa kaseksihan ni Bianca sa ginanap na swimsuit competition noong Martes. Hindi rin siya nagpahuli sa evening gown portion nu'ng inirampa niya ang isang aqua blue gown na dinisenyo pa ng isang sikat na Colombian designer. Early crowd favorite nga raw si Bianca.

Mataas ang pag-asa ng mga Pinoy na masusungkit ni Bianca ang korona mula sa Miss Universe 2008 na si Dayana Mendoza.

Anyway, sina Billy Bush at Claudia Jordan ang hosts ng Miss Universe 2009. At isa sa mga napiling miyembro ng international panel of judges ay si Dean Cain. Magpi-perform naman sina Flo Rida, David Guetta at Kelly Rowland.

Well, siguradong maraming Pinoy ang nagdarasal ngayon para manalo si Bianca Manalo.

Source: Abante