|
|
| Bida sa 'Kuba' ihahayag sa Linggo![]() Column: Insider Habang nagsisiyuting ang pangkat nina Claudine Barretto at Aga Muhlach sa Dubai at nagdudusa sila sa init doon, naghahanda si Gary Valenciano para sa pagkanta ng theme song ng pelikulang ito ni Rory Quintos. Si Aga mismo ang nag-request na si Gary V ang kumanta. Incidentally, ang dalawang theme song na kinanta ni Gary last year sa mga pelikula ng Star Cinema ay mga nominado sa Awit Awards for best performance. Ang mga kanta: Becuz of U at How Did You Know? *** Sino kaya ang Kampanerang Kuba ng ABS-CBN? Lahat pala ng naririnig natin at nasusulat ay tsismis pa lang dahil sa Mayo 1 (Linggo) ang rebelasyon kung sino nga siya. Nakatakda nang i-announce ng ABS-CBN ang bida ng bagong serye ni Wenn Deramas. Magaganap ang revelation na ito sa ASAP 05 na live na mapapanood mula sa Cebu (Ayala Center) sa Linggo. Tila magiging bahagi ito ng four-day Daghang Salamat Cebu na gaganapin sa Cebu ng ABS-CBN mula Abril 29 hanggang Mayo 2. Pati ang Quizon Avenue, MUB, Patrol Linggo at the Buzz ay magsu-show live mula sa Cebu. Iikot ang stars at magsu-show sa malls doon: Robinson’s Place Cebu, Ayala Center, JY Square, Super Metro Mandaue at Plaza Independencia at hindi lang sa isang lumang school gym sa lunsod. *** Akala namin, inililihim pa ng ABS-CBN ang kanilang bagong teleserye na pinagbibidahan ni Claudine Barretto, kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Marami na ang naiintriga sa bagong serye lalo na sa ipinapakitang teaser plug nito. Ano ba ang magiging papel ni Claudine kina Bea at John Lloyd? Kuwento ng pag-ibig ang Ikaw Ang Lahat sa Akin. Ibang klaseng pagmamahalan ito, ayon kay Direk Wenn Deramas. It’s like watching daw two teleseryes in one. Nakapagdala na ng kanya-kanyang teleserye ang mga bida, sina Claudine, John Lloyd at Bea. Nakatatak sa tao ang mga series noon ni Claudine. Kahit na ang It Might Be You nina John Lloyd at Bea ay hit sa tao. Malapit na itong mapanood, ayon kay Direk Wenn. Kasama dito sina Diether Ocampo, Angelika dela Cruz at Shaina Magdayao. *** Lee Dong GunMalakas ang fan following ng mga koreanobela, sa GMA 7 man o ABS-CBN. Mga bagong koreanobela ng Dos ang Memories of Bali at Stained Glass. Marami na ang naiintriga sa mga bidang lalaki ng dalawang Korean series na ito. Mas popular pa ang male stars from Korea kesa female stars nila. Ang sikat na si Martin ng Lovers In Paris ay si Gerry sa Stained Glass. Siya ay si Lee Dong Gun na isang sikat na matinee idol sa Korea. Dahil sa Lovers In Paris, kilala rin siya sa ibang bansa sa Asia, lalo sa Pilipinas. Kasama rin si Kim Sung Soo, si Kevin, sa Stained Glass. Bago siya naging aktor, commercial model siya. Sumikat nang husto dahil sa Memories of Bali si Cho In Sung. Siya si Paolo sa Memories of Bali. Dahil sa husay niyang pagganap sa seryeng ito, nanalong best actor siya sa Baeksang Awards sa Korea noong 2004. *** BIG NIGHT: Star attraction ang bagong panalong Best Male Exotic Dancer 2005, si Jay-R Jerry Austria (aka Jay-Ar Trias) sa big night bukas sa Mr. Valentine Entertainment Bar sa Adriatico. Private Show ito at may teaser ito na: ‘Behind closed doors, beyond no limits." Magsu-show on centerstage sina Kei Mendoza, R’yu Concepcion at Kobbie Domingo na Mr. Valentine 2005. Ayon kay Arjay Mendoza na namamahala ng show, ang star of the night ay si Jay-R. This is his first exposure after he won ng title na Best Male Exotic Dancer 2005 last week. For inquiries, tumawag kay Arjay M (#0915-530-6578). *** ONE-LINER: If your child is noisy, correct him; if quiet, take his temperature. Source: Abante Tonite |