Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Big Boss ng GMA, pinatotohanang hindi flop ang Eat Bulaga LA Grand Fiesta!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

“Naiintindihan namin ang pinangga­galingan ni Joey de Leon at bago pa man ito nagbitaw ng salita na magre-resign siya sa lahat ng kanyang mga prog­rama sa GMA 7 (kapag nabalitaan niya na inimbitahan sa mga event ng Kapuso network ang nagsulat na super-flop ang show ng Eat Bu­laga sa Los Angeles). Pinag-aaralan na namin kung paano haharapin ang isyu,” ito ang pahayag ni Miss Wilma Galvante (Senior Vice-President for Entertainment TV ng GMA 7) nang makausap namin siya noong Sabado ng gabi.
Kararating lamang ni Ma'am Wilma mula sa ibang bansa noong Martes at naroroon siya sa LA Grand Fiesta Show ng Eat Bulaga sa LA Sports Arena noong July 19, 2008.
Isa siya sa maraming makapagpapatunay na walang katotohanan ang balita na flop ang show.
Nakabantay siya sa booth ng GMA Pinoy TV sa main entrance kaya nakita niya ang mahabang pila at pagkakagulo ng ating mga kababa­yan na nag-uunahan na makapasok sa loob ng LA Sports Arena.
Pinatotohanan din niya na upper-box at arena seats lamang ang nirentahan ng mga produ­cer ng LA Grand Fiesta dahil masyadong malaki ang LA Sports Arena.
Kung kukunin pa ng mga producer ang bleacher seats, masyado nang malayo mula sa stage ang audience. Hindi na nila makikita ang mga artista ng Eat Bu­laga.
Noong 2005, ang LA Sports Arena din sa­na ang ve­nue ng Ka­puso Show sa Los Ange­les. Nagkaroon ng ocular inspection ang organi­zer ng show at noon nila nakita na napakalaki ng lugar.
Nagdesisyon sila na okupahan lamang ang upper-box at arena seats pero tanging ang show sa San Francisco ang natuloy noon.
Nang planuhin ang show ng Eat Bulaga sa Los Angeles, muling naisip ng mga producer na ituloy ang kanilang ba­lak na gamitin ang LA Sports Arena at nangyari ito noong July 19, 2008.
Last Saturday, mabilis na nakarating sa kaa­laman ni Ma'am Wilma ang mga pahayag ni Joey sa Startalk noong Sabado.
Sinabi ni Joey sa Startalk na matatanggap niya ang lahat ng paninira sa Eat Bulaga pero isang bagay ang kanyang gustong malaman, ang pangalan ng GMA 7 exe­cutive na tinutukoy ng nagsulat na nagkumpirma na flop ang show ng Eat Bulaga.
Round-trip business class tickets for two to US, free hotel accomodation in any part of US at US$5,000 ang ibibigay ni Joey kung sasabihin ng sumulat ang pangalan ng GMA 7 executive na source ng balita.
***
Malaki na ang ipinangayayat ni Valerie Concepcion mula nang i-launch siya bilang endorser ng Slenda. Muli naming nakita si Valerie noong Sabado sa 14th floor ng ELJ Building para sa press launch ng Slendance, ang work-out video na tinatampukan niya.
Pumayat na si Valerie pero goal pa rin nito na maging 24 inches ang kanyang current 25-inch waistline.
Nakatulong sa pagpayat ni Valerie ang Slendance's easy-to-follow 30 minute-workout. Ang Slendance ang kumbinasyon ng aerobic excercise, coordination, endurance at mental workout na maaaring gawin sa mismong loob ng bahay.
Mabibili na ang DVD ng Slendance sa mga record bar at Starry Starry Store (on-line store ng ABS-CBN).
Puwedeng magkaroon ng free Slendance DVD. Mababasa ang kumpletong impormasyon tungkol sa libreng DVD sa www.gonatural.com.ph. I-text din ang Slenda, inyong pangalan, address, birthday at email address sa 09209192929.
***
Napuntahan namin sa unang pagkakataon ang historical house ng mga Laurel sa Mandaluyong City. Si Senate President Manny Villar ang nakabili ng makasaysayang bahay at dito idinaos noong Sabado ng gabi ang dinner celebration para sa mga nanalo sa contest ng Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga, ang project ni Senator Villar at ng kanyang asawang si Congresswoman Cynthia Villar.
Libu-libo ang sumali sa contest at labing-anim na mga bagong enterpreneur ang nanalo. Tumanggap sila ng P100,000 each bilang premyo at nagkaroon ng exhibit ang kanilang mga produkto sa Market! Market!. Inilunsad ang contest para sa pinakamalikhain at pinakamahusay na entrepeneur sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Nacionalista Party sa PICC noong November 2007.
Ayon kay Senate Presi­dent Villar, hindi lamang ang pagkilala sa kakaya­han ng mga bagong usbong na negosyante ang layunin ng Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga. Gusto rin niya na hikayatin ang mga negos­yante na ipagpatuloy ang kanilang nasi­mulan kaya nagkaloob siya ng karagdagang kapital.
“Umaasa tayo na ang tagumpay nila sa paligsahang ito ay magsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan upang magsikap din sila na maging enterpreneur para lalong sumigla ang ating ekonomiya,” ani Villar.

Source: Abante