Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Big time na si Glaiza de Castro

Author: George Vail Kabristante

Malaking hamon para sa isang recording artist na nag-aartista rin like Glaiza de Castro kung papaano niya pananatilihin ang tamang image at ningning sa dalawang career.

Kaya ikinagagalak ng Dyna Music Entertainment, na siyang tumatayong mo-ther studio ni Glaiza as a singer, ang puspusang pagsisikap ng singer-actress upang mabalanse ang kanyang kasikatan sa dalawang linya sa showbiz. Kung kaya naman inilunsad na ng Dyna Music si Glaiza bilang ganap na recording artist.

Nagdesisyon ang exe-cutive producer ng Dyna na si Howard G. Dy na big-yan ng malaking launching ang self-titled album ni Glaiza sa isang marang-yang gig at sa harap pa ng mapanuring mga mata ng entertainment media.

Pinamagatang Glaiza inilunsad ang album last June 12 ng gabi sa Metro Phi Resto Bar, Metrowalk, Ugong, Pasig City.

Umalingawngaw nang masigabong palakpakan ang buong entertainment media nang kantahin niya ang mga awiting Tagalog na siyang laman ng kanyang self-titled album tulad ng Ligaw-Tingin, Sana, Ikaw Lamang Ang Gu-wapo, Sinabi Mo Sa Akin, Sayang Lang, Paano, Teka Lang at songs na English tulad ng As Long As I Am With You, Hold You Once Again, Someone, at How Can I Make You See.

Sa obserbasyon ng lahat ay sobrang nakakikilig -- hindi lamang sa kanyang mga kabataang tagasu-baybay kundi pati na rin sa malilikot ang imahinas-yong kalalakihan -- ang performance ni Glaiza.

Sa ngayon, tunay na kapansin-pansin na ang kahusayan ng dalaga sa pag-awit dahil sa inspi- rasyon ng kanyang mass-based following.

Sa nasabing gig ay na-biling lahat ng kanyang fans ang for sale albums na na-ka-display sa entrance ng venue.

Bumili rin ng Glaiza al-bum ang kalalakihang nahalina sa kanyang alindog.

Nakapagbigkas pa nga ang kalalakihan na mas malakas ang charisma, as in sex appeal, ni Glaiza sa personal, lalo na raw kung siya ay kumakanta.

Konting kimbot lang daw ng dalaga ay sulit na raw ang ibinayad nila sa nasabing gig.

Ang mga nabanggit na katangian ni Glaiza ay ipi-nagmalaki mismo ng kanyang acting tutor na si Gina Alajar.

Masasabing may magandang orientation sa showbiz ang actress-si-nger. Ang ina ni Glaiza ay numero unong fan ni Nora Aunor. Ang kanyang ama ay bo-calista at piyanista. Ang mag-asawa ay parehong nakapag-perform na sa iba't ibang bansa ng Asia.

Kaya hindi nakapag-tataka kung bakit sa murang edad si Glaiza ay kumakanta na siya bilang member ng children's choir sa kanilang local church. At noong siya ay high school pa lang ay nakapag-compose na rin siya ng songs na inawit din niya para sa show band na bi-nubuo ng kanyang mga ka-barkada.

Si Glaiza ay pamangkin ng kilalang action star na si Dan Alvaro at kapatid niya ang bagong sibol na actor na si Alcris Galura.

Naging pasaporte sa singing career ni Glaiza ang kanyang magandang bo-ses. Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga pinakamai-init na recording artists ng Dyna. Lumabas siya dati bilang semi-regular sa TV shows na SOP at ASAP kung saan siya ay nabansagan bilang ultimate champion solo performer. Bilang actress, nakalabas na siya sa ilang TV dra-ma at pelikula. Dalawang beses siyang na-nominate sa Golden Screen Awards bilang Best Supporting Actress (Bahay-Bahayan episode ng Maalaala Mo Kaya), at Best Actress sa isang digital feature Still Life ng Cinemalaya .

Source: Taliba