|
|
| Billing problemAuthor: Nitz Miralles Kinukumpirma pa namin kung totoo ang balitang mapapaaga ang pilot ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, dahil sa February 2 na raw ito at hindi sa Feb. 9. Dahil daw ito sa request ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nami-miss nang mapanood ang dalawa regularly on TV. Gusto nang mapanood ng fans ang pagtalun-talon at pagtakbu-takbo ni Marian at ang marami nilang kissing scenes ni Dingdong. Type na rin nilang makitang naka-two-piece ang actress habang nagsu-swimming. Marami na rin sigurong episodes na na-tape si Direk Joyce Bernal at hindi sila mangangarag kung aagahan ng one week ang airing ng bagong soap nina Marian at Dingdong. Tuluy-tuloy ang taping nila at matitigil lang dahil pupunta ang dalawa sa Guam sa February 5-7 para mag-guest sa show nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Hindi lang pala sa Cebu pinagkaguluhan si Marian, pati na sa fiesta ng Tarlac, kung saan lahat yata ng tao'y lumabas at sumama sa motorcade niya. Ang ending, dahil sa rami ng tao, mabagal ang takbo ng motorcade at madilim na'y hindi pa ito tapos. Samantala, three movies pala ang gagawin ni Marian this year na pawang malalaki. Ang rom-com o romance-comedy with a popular actor as her leading man ang uunahin at pang-Halloween ang Tarot nila ni Dennis Trillo. May isa pang big movie project bago matapos ang taon. Iyong sa kanila ni Vhong Navarro, pinag-uusapan pa lang pala. * * * Totoo kaya ang tsinika sa amin na kaya wala ang pangalan ni Iya Villania sa poster ng When I Met U ay dahil ang stand ng management nito, kundi rin lang above the title ang name nito, 'wag na lang ilagay ang kanyang pangalan? Sa cinema at TV plugging ng movie, binabanggit ang name ng dalaga. Hindi pa namin natsi-check ang poster ng movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, kaya hindi pa namin alam kung si Iya lang ang wala ang pangalan sa poster. Pero, tutulong siya sa promo at baka hindi lang sa shows ng ABS-CBN siya mag-promote, pati na rin sa GMA-7. * * * Pagkatapos ma-interview para sa 24 Oras at Showbiz Central tungkol sa breakup nila ni Paolo Contis, umiiwas na sa press si Isabel Oli. Nang bumisita kami sa taping ng Gagambino, payag siyang magpa-interview, pero nag-request ng "no Paolo questions. " Mahirap 'yon, kaya hindi na lang namin siya kinausap. Sa staff na lang namin inalam ang mangyayari sa character niyang si Berna after mamatay ang kapatid na si Noel (Mart Escudero). Marami pang gagawin si Berna at abangan daw. Dahil doon, hindi namin natanong si Isabel sa kinalabasan ng audition niya sa Zorro at kung ano ang chances niyang makuhang leading lady ni Richard. Hindi rin nakumpirma ng press kung totoong noong sila pa ni Paolo ay bumili ang actor ng condo unit na malapit sa bahay ng kanyang pamilya sa Singapore. Kung totoo, ano na ang mangyayari sa condo unit ngayong break na sila ng actor? * * * Sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? today, three players ang susubok manalo ng P1 million. Unang player ang nagbabalik, ang bank manager na si Joselito Bartolome, na copy na lang ang natitirang cheat para manalo. Susunod sa kanya ang masayahing fastfood branch manager na si Jocylin Aglinao. Ang third player ay ang cool na si Dondi Alentajan, graduate ng BS Economics sa UP Diliman. Tumutok sa game show ng GMA-7 hosted by Janno Gibbs para malaman kung magkakaroon na ng second millionaire. * * * Sa thanksgiving party for the press, in-announce ni Annabelle Rama ang prinodyus niyang February 7 concert sa Crowne Plaza ballroom. Performers sina Pops Fernandez, Pokwang at Verni Varga at guests sina Iya Villania at Rochelle Pangilinan sa direction ni Al Quinn. Ipinaalam din nina Annabelle at Jun Lalin ang maraming sponsors ng press party gaya ng ACS, maker ng Unique toothpaste, Globe, Kisses & Co. , Belo, Flawless, HBC, Bench at Metathione. Humabol ang Sunsilk at brand ng shoes na ini-endorse ni Heart Evangelista. Source: People's Tonight |