|
|
| Billy Crawford tensyonado sa ABS-CBNAuthor: Chan-Chan Torres NANDITO na sa bansa ang pop superstar na si Billy Crawford. Halatang tensyonado pa si Billy nang unanng humarap sa press. Akala namin ay takot siyang ma-roast ng mga katanungan. 'Yun pala, nawala ang passport ng singer sa airport habang pauwi siya sa 'Pinas. Mabuti at na- ayos din ang problemang ito at hayun, tuloy ang li-gaya ng singer. Narito si Billy sa 'Pinas para mag-host ng Pinoy Dream Academy sa darating na Hunyo at siya ang makakasama ni Toni Gonzaga sa Uber ng PDA. Mapapanood din siya sa ASAP '08. Sa presscon pa rin pa-ra kay Billy, naging usap-usapan ang tungkol sa umano'y tampo ni German Moreno sa kanya. Napag-alaman namin na nagtampo pala ang master showman dahil lumipat si Billy sa Kapamilya network nang walang paalam. Regarding the isyu with Kuya Germs, halatang ingat si Billy sa pagbitiw ng mga salita tung-kol sa kanyang mentor. "As we all know, Kuya Germs has been a father to me. I have known him since I was five and I will really feel bad if they'd say anything bad about him," sabi pa ng singer. Tinanong din si Billy kung totoong may sinabi siya against Kuya Germs na tipong he doesn't want to see him again or something to that effect? Agad itong pinabula-anan ni Billy. "I never said that," mariing pahayag pa niya. Napag-usapan din ang tungkol sa utang na loob, pero agad na sinabi ni Billy na mas naniniwala siyang higit na mahalaga ang respeto kesa ano pa man. Tinanong din ang singer tungkol ay KC Concepcion. Siyempre, ngayong nasa ABS-CBN na siya , baka may chance nang magkasama sila ni KC sa mga proyekto 'di ba? Pero sinabi naman ni Billy na he hasn't spoken to KC yet. Dagdag pa ni-to, hindi niya alam kung ano ang plano sa kanya ng booking agent niyang si Arnold Vegafria except for his hosting stint in PDA and guesting in ASAP '08. Sa totoo lang, marami ang curious sa hosting style ni Billy. Kaya aba-ngan natin ang pagbubukas ng Pinoy Dream Aca-demy at kilatisin natin nang husto ang international hiphopper. * * * ANG kampo ni Angel Locsin ang umano'y pinagbibintangan na nagkakalat ng negative issues tungkol kay Marian Rivera. Well, unfair naman ito kay Angel na walang gi-nawa kundi magtrabaho. She's not a starlet para gumawa pa ng kung anu-anong gimik para mapag-usapan. * * * Hindi namin mapigilan na mapangiti 'pag may nagtatanong sa amin tung-kol kay Lara Quigaman. Balitang ayaw na raw kasing bumalik ng beauty queen sa Wowowee pag-katapos ng mga intriga sa kanya. Ito ay kahit pabalikin pa raw siya. Ang taray, di ba? Well, ang masasabi na-min, kayang-kaya ni Willie Revillame at ng mga kasamahan niyang sina Pokwang, Valerie Concepcion, RR at Mariel Rodriguez na dalhin ang show. Marami ngang bongga ngayon sa Wowowee at nairaraos nila ito kahit wala si Lara. Hindi naman naram-daman na nawala siya, sa totoo lang. Sa ngayon, wala pa raw balak kumuha ng kapalit kay Lara ang Wowoee staff. Isa lang ang masasabi namin, kung sino man ang magiging kapalit ng beauty queen ay napakasuwerte. Bihira lang ang mabigyan ng ganitong oportunidad, no? Sayang at pinakawalan niya ito. Source: Taliba |