Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Billy baka ma-bad karma

BAKIT daw puro celebrities ang live guests ng Gobingo ni Arnell Ignacio? Okey lang naman 'yun. Pero, mas nakatutuwa sana kung ang maglalaro ay outsiders especially 'yung mga 'puring' (as in mahihirap). Mas malaking tulong ang mag...

 

Billy baka ma-bad karma

Column: Screen Talk
Author: Letty G. Celi

BAKIT daw puro celebrities ang live guests ng Gobingo ni Arnell Ignacio? Okey lang naman 'yun. Pero, mas nakatutuwa sana kung ang maglalaro ay outsiders especially 'yung mga 'puring' (as in mahihirap). Mas malaking tulong ang magagawa nila.

Eh, sa hirap ng buhay ngayon, parang blessing ang iba't ibang game shows sa GMA-7 at ABS-CBN na kahit mga nasa bahay ay nagkakaroon ng chance na mag-win at mahango sa kahirapan ang mga maglalaro.

Kita ninyo 'yung jackpot na P1 million sa Eat Bulaga, pati home partner ay naka P1 million din.

'Ika nga, instant millionaire, 'di ba?

Okey ang Gobingo kasi ang gaan at madali ang mga tanong. Palaki nang palaki ang premyo rito at nabalitaan ko pa na may nagi-sponsor nang isang car company ang programa, kaya mayroon na ring jackpot prize na kotse sa Gobingo.
* * *
NAKU, dapat sa lalong madaling panahon, makipagkita na si Billy Crawford sa 'tatay' niyang si German Moreno para matapos na ang controversy nila bago pa magsimula ang show niya sa ABS-CBN na Pinoy Dream Academy.

Hindi kasi magandang may taong masama ang loob sa kanya.

Bilang 'tatay', masama ang loob ni Kuya Germs sa 'anak' dahil ang anak ay may hindi magandang ginawa.

Baka mabansot ang career ni Billy o ma-bad karma siya.

Diyos ko naman Billy, Pilipino ka pa rin naman na malaki ang paggalang at pagpapahalaga sa 'tatay. ' Ang laki ng hirap sa 'yo ni Kuya Germs noong panahon ng That's Entertainment.

Pinag-aralang mabuti ni Kuya Germs at ng mga sekretarya niya na sina Carmelites, Chuchi at Remy kung papayagan kang mag-member sa That's Entertainment dahil napa-kabagets mo pa.

Buti na lang may boses ka, may talent magsalita, kumanta at sumayaw at tipong artista. Kaya aprub.

Hay naku, magkita at magkausap kayo ni Kuya Germs, all is well that ends well.
* * *
TRY ninyo ang GH3 medicine ni Dr. Gary S. Sy. Ang famous doktor na nasa tri-media. Siya ang author ng aklat na Gabay sa Kalusugan 1 & 2.

Siya rin ang well- travelled na nagbibigay ng free lectures and seminar not only sa Pilipinas, maging outside the country rin.

Almost 12 years na si Dr. Gary Sy sa kanyang propesyon. Siya rin ang doktor ng oldies na pasyente dahil sa kanyang GH3.

Siya ang dahilan kung bakit naging pamoso ang mga kilalang tableta para sa BP, diabetes, heart at arthritis.

Si Dr. Gary ang Medical Director ng Life Extension Medical Clinic, at gabay ng mga may karamdamang mga lolo at lola.

Source: Taliba