Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Billy may bagong offer sa Dos

May mga tumawag sa aming listener ni German Moreno sa DzBB at nagtatanong kung bakit paiba-iba ang oras ng radio show nito ngayon? Nagugulat ang nakikinig lalo't wala naman daw itong sinasabing maiiba ang oras niya sa radio.Nagtanung-tanong nga kami at...

 

Billy may bagong offer sa Dos

Column: About Showbiz
Author: Pilipino Star Ngayon

May mga tumawag sa aming listener ni German Moreno sa DzBB at nagtatanong kung bakit paiba-iba ang oras ng radio show nito ngayon? Nagugulat ang nakikinig lalo't wala naman daw itong sinasabing maiiba ang oras niya sa radio.

Nagtanung-tanong nga kami at lalong magugulat ang mga fans ni Kuya Germs sa nalaman naming, baka ilipat ang radio show niya sa gabing time slot. Balak daw ng management ng DzBB, ilagay sa iiwang time slot ni Kuya Germs sa hapon sina Pia Guanio, John Lapus, at Arnell Ignacio. Pero, may  Eat Bulaga si Pia, baka iba ang makasama nina John at Arnell.

Kung totoo man ito, sana hindi pagmulan ng controversy at sana, hindi maging daan para magtampo si Kuya Germs. Naku naman, madalas madaling-araw na pumapasok ang TV show niyang  Walang Tulugan, pati ba naman radio show niya ay pang-gabi na rin?

* * *

Dapat noong May 15, dumating ng bansa si Billy Crawford para pag-usapan at planuhin ang nala­lapit na premiere ng Pinoy Dream Academy 2 (PDA 2) ng ABS-CBN na kanyang iho-host. Pero hindi siya natuloy at siguradong may paliwanag dito ang Channel 2 at ang management ni Billy.

 Sa pagbabalik ni Billy, marami siyang haharapin at kabilang dito sina German Moreno at ex-manager niyang si Raul Laurente. Maalis kaya ng kanyang paliwanag ang tampo ng dalawa sa kanya?

Ang tsika, bukod sa PDA 2,  may  isa pa raw TV show sa Channel 2 si Billy at isang big talent ng network ang kanyang makakasama. Malaking project ito 'pag natuloy at kung totoo.

* * *

 Magsisimula na ang promo ng Urduja  sa launching ng theme song nitong Babae Ako na live kakantahin ni Regine Velasquez sa  Eat Bulaga this Saturday. Sinulat ni Joey de Leon ang lyrics ng kanta at nilapatan naman ng musika ni Ogie Alcasid. Sina Mon Faustino at Noel Sarate ang musical arranger nito.

Napakinggan na namin ang kanta at talagang bagay na bagay sa first full-length digital and traditional animation na produced ng APT Films ni Mr. Tony Tuviera at 11 years na plinano.

 Showing ito sa June 18, at hindi lang ang ganda ng pelikula ang mapapanood, pati na ang world-class talent ng daan-daang Pinoy animators at ang boses nang naglalakihang artista sa Philippine showbiz.

Kaugnay nang nalalapit na showing ng Urduja, ang malawakang search for Little Miss Urduja. Open ito sa mga batang babae, seven years old pababa at handang magpakitang-gilas para mapanalunan ang title. Sa  Eat Bulaga rin gaganapin ang search.

* * *

Ayaw daw maiyak ni Alma Moreno, kaya ayaw bumisita kay Rudy Fernandez sa Cardinal Santos Medical Center kung saan ito naka-confine. Daig siya ng mga kaibigan ng actor na kahit hindi makapasok sa kuwarto nito'y, nasa hospital araw-araw para ipakita ang pagmamahal kay Rudy, suporta kay Lorna Tolentino at sa mga anak nito.

Ang ibang kaibigan ng mag-asawa'y sa hospital tumutuloy after their work at may kilala kaming halos doon na natutulog. Para siyang miyembro ng pamilya nina Rudy at LT na walang tigil ang pagdarasal para sa paggaling ng actor. Gaya rin siya sa ibang kaibigan ng actor na kinakabahan tuwing may tatawag sa cellfone at baka hindi magandang balita ang marinig. 

Source: The Philippine Star