Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Billy, may rapport na sa scholars

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

BILIB naman kami kay Direk Laurice Guillen at Cherry Pie Picache dahil nu'ng grand presscon ng Iisa Pa Lamang, talagang inamin nila na nu'ng kanilang kabataan ay marami rin silang minahal at nag-wish din na "sana dalawa ang puso ko. "

Pero siyempre, sabi nga nila, iisa lang ang nanaig.

As we all know, ang magaling na character actor na si Johnny Delgado ang nanaig sa puso ni Direk Laurice. Isang non-showbiz guy naman ang nanaig sa puso ni Cherry Pie.

Ang IPL bida na si Claudine Barretto, ang mister na si Raymart Santiago lang daw ang minahal nang totoo at walang kasabay.

O, sige, watch n'yo na lang ang bagong teleserye ng Dos na iere na bukas, okidoki?

Si Lani Misalucha nga pala ang kumanta ng theme song at hindi ang orig singer nitong si Joey Albert.

* * *

AYON kay Thess Gubi, kanang-kamay ni Rikka Dylim ng Star Magic, maraming rason kung bakit nasa cloud nine ngayon ang comedian-TV host na si John "Sweet" Lapus.

Maliban sa blessings na natatanggap at successful anniversary show, bongga ang naging selebrasyon ng kanyang 35th birthday kamakailan.

"Matapos ang kanyang anniversary show, naghahanda naman si Sweet para sa The Universal Sweet John Lapus: Happy Birthday to Me! sa July 26, 9 p. m. , sa Zirkoh Timog.

Excited si Sweet sa post-birthday celebration, dahil bukod sa isa itong birthday treat sa fans, makakasama rin niya ang mga Kapamilya sa Star Magic na sina Jon Avila, Ron Morales, Victor Basa, Rafael Rosell at Koolchx with the special participation of John Lloyd Cruz.

Mura lang ang tiket, P500 at P300. For inquiries, call 0929-2730237.

* * *

SOSI talaga ang Sharon, dahil ilang beses nag-taping sa abroad, ha! Yaman, devah?

Yaman din naman kasi ang guests ngayong Linggo, dahil pulos Pinoy millionaires in Hawaii ang nakatsikahan ni Megastar Sharon Cuneta, like Emme Tomimbang, tinaguriang "Pinoy Oprah," Eddie Flores, may-ari ng mahigit 180 branch ng masarap na 1n1 barbeque sa buong U. S. , Roland Casamina, may-ari ng house of finance sa pinakamalaking lending firm sa Hawaii, at Dolores Bediones, isang realtor.

Lahat sila ay kabilang sa listahan ng rich and famous Pinoys sa Hawaii.

Pa'no sila naging milyonaryo? Alamin ngayong Linggo sa Sharon sa Primetime Bida ng Dos, tsuk!

* * *

TWELVE na lang ang naglalaban-laban na scholars sa Pinoy Dream Academy Season 2, dahil tsugi na sina Chivas, Jet, Ross at Sheng.

Nu'ng una, medyo OA pa si Billy Crawford sa pagiging host ng PDA2 Uberture, pero ngayon, tipong may rapport na siya sa scholars, pati na sa viewers.

Yezzz, Kuya Germs (Moreno), wether you like it or not.

So, patawarin mo na ang iyong anak-anakan at tipong naggo-grow naman siya as host ng PDA2 Uberture.

'Ika nga, give him a break, tsuk!

Source: People's Tonight