Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bilog ang mundo, aktres nakaganti na sa pang-iisnab ng designer

Author: Pilipino Star Ngayon
Column: About Showbiz

Nagsisisi siguro ang designer ng isang popular clothing line sa pang-iisnab nila dati sa sikat na female actress, dahil sila naman ang inisnab nito ngayon.

Noong nagsisimula pa lang ang actress, lumapit ang manager nito sa designer ng clothing line at nag­patulong para suplayan ng t-shirt at ibang tops ang kanyang talent na magagamit sa mga tapings at TV guestings. Hindi na pinagbigyan, tinarayan pa ng desig­ner ang actress, hindi nila ito puwedeng bigyan ng mga shirts, dahil hindi nila ito market.

Kulang na lang ipamukha sa manager ng designer na baduy ang kanyang alaga at pang-A and B customers ang produkto nila. Hindi na nangulit ang manager at sa iba na lang lumapit para ihingi ng tulong ang nagsisimula pa lang niyang talent.

Bilog ang mundo at ang dating iniisnab na talent ay sumikat at naging in-demand endorser. Lumapit sa manager ang isnaberong designer at kinukuhang endorser ang actress at nang tanggihan ng manager ang offer, kumuha ng padrino ang designer para kausapin ang manager, pero dinedma pa rin nito ang offer at nag-stick sa brand ng clothing line na sumugal at naniniwala sa noo'y baguhang female actress.      

* * *

Iba na at iniksian ang title ng pelikula nina Maverick at Ariel sa GMA Films, magiging Ariel and Maverick Hollywood or Else na lang ito na mas madaling tandaan ng tao. Babalik sila sa Holly­wood para sa shooting nang nasabing pelikula at para kunan ang mga eksena ni American Idol judge Paula Abdul.

Wala pa ring balita sina Maverick at Ariel kung kai­lan sisimulan ang game show nila sa GMA 7 na SOS o Send or Save. Ang alam ng dalawa'y mas pinapaganda ang mechanics ng game para walang glitches 'pag umere na.

Bothered kunwari sina Maverick at Ariel sa pagta­tapos ng Joaquin Bordado, dahil wala pa silang bagong show at ang kontrata nila'y sa GMA Films.

Humirit si Maverick na sana magkaroon sila ng show habang hindi pa nila ginagawa ang kanilang pelikula.

* * *

Hindi na lang sa performance, result night at shows ng GMA 7 mapa­panood ang Final 10 ng Pinoy Idol, dahil may mall tour sila na magsisimula sa July 4, sa SM Megamall. Chance na rin nina Gretchen Espina, Sue Ellen, Jayann Bautista, Penelope, Robby Navarro, Warren Antig, Toffer Rei, Daryl Celis, Kid Camaya, at Ram Chaves na mangampanya na iboto sila para magtagal o kaya'y makapasok sa Final 5 ng competition.

 Sa August 16 and 17 na ang Grand Finale sa SMX Mall of Asia at kailangan nilang mag-double time sa pangangampanya para sila'y iboto. Inihahanda na ng Channel 7 ang sinumang mananalo sa F10 thru workshops, seminars at iba pang paraan na makakatulong sa kanila.

 Nalaman naming tuluy-tuloy ang workshop nila kay Regine Tolentino on the right movement on stage at ang mga babae, tinuturuan ng sexy projection while performing. Si Olin Lim ang in-charge sa personality development at si direk Floy Quintos sa stage performance. May dance lesson sila under Geleen Eugenio at si Chechel Joson naman ang nagtuturo ng hair styling and make-up.

 Sa Linden Suites pa rin naka-billet ang Pinoy Idol hopefuls hangga't 'di nai-eliminate at provided lahat ng Channel 7 ang kanilang needs.

 Heto ang ibang schedule ng mall tour: July 4, SM Megamall; July 11, SM San Lazaro; July 18, SM North EDSA; July 25, SM Valenzuela; August 1, SM Taytay; and Aug. 8, SM Sta. Mesa.

* * *

 Brunette ang buhok ni Andi Eigenmann, anak ni Mark Gil kay Jaclyn Jose at sabi ng dalaga, sila lang ng pinsan niyang si Bianca Rogoff, anak nina Cherie Gil at Roni Rogoff sa magpipinsan ang may gano'ng kulay ng hair. Tinitigan namin ng husto si Andi at nakita naming may hawig siya sa lola niyang si Rosemarie Gil.

Papasok sa second term sa UP si Andi at mag-i-enroll ng Fine Arts. Still life ang forte niya at pencil and paint naman ang kanyang medium. Kahit lumalabas na sa TV at isa sa mga Star Magic talents, hindi pa rin ma-imagine ng dalaga na forever na siya sa showbiz at kung ito ang pipiliin niyang trabaho, gusto niya na behind the camera siya.

Source: The Philippine Star