|
|
| Binigay kc sa GMA ang coverage ng kasal, Vandolph tsinugi sa Palos![]() Author: Lolit Solis May tsismis na kumakalat na hindi raw nag-attend sa kasal nina Vandolph Quizon at Jenny Salimao ang kanilang mga ninang na sina Charlene Gonzales, Ayokong paniwalaan ang tsismis. Gusto ko munang marinig ang explanation nina Charlene, Pero may isang tsismis na mas matindi. Natsugi raw si Vandolph sa cast ng TV series na Palos dahil ibinigay nga nila ni Jenny sa Kapuso network ang exclusive rights ng kanilang kasal na mapapanood sa Startalk sa darating na Sabado. Kinumpirma raw ng isang ABS-CBN boss ang balita na wala na si Vandolph sa Palos dahil nagkaroon ng pagbabago sa kuwento at cast. Kawawa si Vandolph kung true na wala na siya sa Palos. Ang sey ng isang GMA 7 executive, sila ang nag-alok kay Vandolph ng exclusive coverage at hindi ang dating child actor ang lumapit sa kanila. Nang mag-offer ang GMA 7 people, tinanong muna nila si Vandolph kung may alok ang ABS-CBN. At dahil walang alok ang Kapamilya network, tinanggap ni Vandolph ang offer ng Kapuso network. Kung may pagkakamali man si Vandolph, hindi niya tinanong ang ABS-CBN people kung interesado sila sa exclusive coverage ng kasal nila ni Jenny. Wait natin ang mga susunod na kabanata. Sure ako na magsasalita ang mag-asawang Jenny at Vandolph, pati na rin ang madir nito na si Alma Moreno, tungkol sa wedding controversy. * * * May mga nagkokomento na hindi dapat makisawsaw si Senate President Manny Villar sa libel case na isinampa laban sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby. Makuntento na raw si Papa Manny sa pulitika at huwag nang makisali sa mga showbiz issue. In fairness kay Papa Manny, hindi siya nakisawsaw sa isyu 'noh! Nagkasama sila ng mga kaibigang movie reporter sa isang lunch date at dahil friends kami ni Papa Manny, may-I-ask nila ang kanyang opinyon tungkol sa libel case ko. Forever gentleman si Papa Manny. Tinanong siya ng mga reporter, eh di sinagot niya ang mga tanong sa kanya. As usual, umiral uli ang pagiging malisyoso ng ibang tao. Pinasalamatan ko lang kahapon si Papa Manny sa good words na sinabi niya para sa akin, kung anik-anik na ang kanilang mga sinabi. Sino ngayon ang may problema, ako ba? React kayo nang react. Ipinakikita n'yo lang na masyado kayong affected sa aking existence. Sa ayaw n'yo at sa gusto, marami akong kaibigan na hindi marunong mang-iwan sa gitna ng laban. Sila 'yung mga tao na kaibigan ko, for better or for worse. At dahil affected kayo, babati na lang ako sa mga nagpadala ng sulat sa lolitkulit@yahoo. com. ph! Hello kay Darlina Mancilla ng Ipinapabati rin ni Darlina ang kanyang in-laws na sina Joe at Tessie Mancilla na Avid fan ni Janice de Belen ang PSN reader na si Yeto na gustong-gustong makita ang kanyang favorite actress. Yeto, go ka sa GMA 7 tuwing may live telecast ang SIS dahil siguradong makikita mo doon si Janice. Puwede mo rin siyang sulatan sa GMA 7 Network Inc. , Edsa, Diliman, Regards kay Jhune Perez ng Amkor Technology Philippines, Jhay-Ar Gomez, Nina Heart Galimba ng Canada at ang kanyang friends na sina Nerisa Garcia, Rhoda Galimba at Jane Eulalia, kay Angel ng Palawan na maraming suggestion para lalong gumanda ang Eat Bulaga at ang mga production number sa SOP at sa Madamba Family ng Santiago, Isabela na miss na miss na ni Generick Aguinaldo. Shalom din ang bati ko kay Joe Pobadora ng Nakarating din sa akin ang balita na kinantahan sila ni Valerie Concepcion na sintunado ang boses. Hindi naimbyerna ang mga reporter kay Valerie. Na-appreciate pa nga raw nila ang effort ni Valerie na mapasaya sila itsurang nag-tumbling ang tono ng kantang Sway na literal daw na nag-sway! Araw-araw na bumibili at nagbabasa ng PSN si Genor Kasiguran kaya happy birthday ang message niya para sa bagets na si Gwyneth Sophia na nag-celebrate kahapon ng 5th birthday. Hi din sa kanyang kapatid na si Gail Shanadine. Gusto kong ipaalam kay Marie Quijano ng Hong Kong na natanggap ko ang kanyang e-mail at tsika tungkol kay Miriam Quiambao. Salamat sa nakakalokang tsika at siyempre, maraming salamat kay Vicky Perez dahil sa package na ipinadala niya sa akin. Maraming salamat dahil touched ako. 'Yun lang!!! Natuwa si Karen Araneta nang mabalitaan nito na willing akong makipagkasundo kina Sam at Piolo. Why not? Pero hindi ito nangangahulugan na ire-retract ko ang aking kuwento 'ha? Iba kasi ang interpretasyon ng mga malisyosa sa mga sinabi ko. Source: The Philippine Star |