|
|
| Bitoy-Ogie 'Gang', 'di maitumba!Author: Alfie Lorenzo SORRY na lang sa ibang gag show riyan, dahil wala na talagang dadaig pa sa Bubble Gang, kung kasikatan at tagumpay ang pag-uusapan . Eh, wala naman kasing kaparis ang mga gags at commercial spoofs na ginagawa nila, lalo na `yung mga orig na karakter na ginawa nila na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin. Hindi nga kataka-taka na umabot sila ng 14-years, 'no! At ngayong October 23 at 30, isang special na primer na may title na 14 Going Steady, at tatlong pelikulang pang-TV ang handog nila na puro katatawanan. Siyempre, may trivia rin sila tungkol sa mga segments nila, at kasama pa ang mga komentaryo ng mga sikat na artista. Ang highlight ng show nila ngayong gabi ay ang bonggang-bonggang funny at kinky interview ni Paolo Bediones, kasama ang BG cast na sina Ogie Alcasid, Michael V., Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto, Francine Prieto, at Maureen Larrazabal. Ang tatlong pelikulang pang-TV naman na bida sina Dennis Trillo, Iza Calzado, Julia Clarete, at Regine Velasquez ay sa susunod na Friday ipalalabas. *** Tuloy na tuloy ang kampanya bukas ni Ted Failon. Wala na raw siyang sasayanging panahon, at hindi na talaga siya paawat mangampaniya, para sa mga kuwentong tatatak sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Kasi nga, bukas na ang simula ng bago niyang show na Failon Ngayon! (Sabado, 5:30 pm). Makahaharap niya ang mga kontrobersyal na tao sa segment niyang "Most JuanTED". Wala rin siyang aatrasan pagdating sa pagbatikos sa mga pulitiko, opisyal ng gobyerno, at maging lokal at pribadong ahensya na gumagawa ng mga katiwalian. Siyempre, ihahatid din niya ang mga kuwentong gigising sa inyong kamalayan . Sitcom at cooking show, pinagsama? Yes, true 'yan, sa bagong show na Sarap at Home, sa Q Channel 11. Kuwento ito ng dalawang magkaibigan at magkapitbahay na sina Sam Oh at Chef Nino Logarta. Sa bawat episode, may pangyayari o problema na ang ending ay magluluto si Chef Nino, sa tulong ni Sam. At bongga, dahil magiging guest nila sina Aljur Abrenica at Akihiro Sato. Source: Abante |