|
|
| 'Biyaheng Lupa', wagi sa Cinemanila Int'l Filmfest! Manager ni Dingdong, nag-resign sa GMAAuthor: Jojo Gabinete ANG Biyaheng Lupa ng Quantum Films ang winner ng Grand Jury prize sa 11th Cinemanila International Film Festival. Si Armando “Bing” Lao ang sumulat ng kuwento, screenplay at direktor ng pelikula na tinampukan ng labing-anim na artista. Magandang regalo para kay Bing ang award na tinanggap ng debut movie niya. Nang dumalo si Bing sa screening ng Biyaheng Lupa, tanging ang kanyang mga malalapit na kaibigan ang may alam na kagagaling lamang niya sa sakit. Dalawang linggo bago ipinalabas sa Cinemanila ang Biyaheng Lupa, nagkaroon ng stroke si Bing pero naitakbo agad siya sa ospital dahil napansin ng mga kaibigan niya na may slur ang kanyang pagsasalita. Nagpapasalamat ang mga kaibigan ni Bing dahil na-contain ang blood clot niya. Pinatawa ni Arf Arf ang viewers ng Cool Center dahil sa exclusive interview niya kay Mang Dolphy. Si Arf Arf ang puppet dog ng Saturday midnight show nina Eugene Domingo at Anjo Yllana. Sa interview niya sa King of Comedy, hiningi ni Arf Arf ang opinyon ni Mang Dolphy sa kanyang dala na gulay at pagkain, ang pechay at bibingka. Sinabi ng King of Comedy na mahusay sa katawan ang pechay at mahilig siya na kumain ng bibingka. Nang ipakita ni Arf Arf ang bombilya na dala niya, saka lang napansin ni Mang Dolphy na tungkol sa sex ang tinutumbok ng interview?sa kanya ng puppet dog na matapang magtanong kaya pinangingilagan na ng mga artista. Hindi masyadong naintindihan ng ibang readers ang column item na isinulat namin sa Sunday Tonite tungkol kay Justine Ferrer ng Survivor Philippines Palau. May linya sa aming isinulat na itinanggi ni Justine na siya ang naging Eba sa paraiso ng mga kalalakihan sa Palau. Bluntly speaking, nag-deny ang transgender contestant ng Survivor Philippines na siya ang naging “comfort woman” ng mga kalalakihan sa Palau na hindi nakakaalam sa kanyang tunay na pagkatao. Babaeng-babae ang itsura at pananalita ni Justine kaya hindi pinagdudahan ng mga residente ng Palau ang kanyang “pagkababae”. Ipinagmamalaki ni Justine na nakuha niya ang respeto ng mga tao mula nang makilala siya sa Survivor Philippines Palau dahil sa mga kakayahan na ipinakita niya sa mga pagsubok na ipinagawa sa kanya. Matagal nang executive producer si Perry Lansigan ng SOP, kaya news para sa marami ang pagbibitiw niya mula sa kanyang posisyon. Bukod sa pagiging EP ng Sunday show ng GMA 7, kilala si Perry bilang manager ni Dingdong Dantes. Hindi pa namin alam ang official story tungkol sa resignation ni Perry pero dinaramdam niya ang nangyari at base ito sa kanyang Facebook account entry na aming nabasa: “Grabe pala talaga.Grabe... Ayoko maramdaman ang sakit, pero anong gagawin ko... Tao lang ako, may pakiramdam. Sana robot na lang ako... I can not stand being awake... the pain is too much.” Narito naman ang official statement ni Ms. Wilma V. Galvante, Senior Vice President for Entertainment of GMA Network, tungkol sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan: “Perry Lansigan RESIGNED from SOP to fully concentrate as President and CEO of PPL Entertainment, Inc., a production and talent management company which he formally established in September. “He could not tender his resignation?sooner because he waited until I returned from my official trip to Cannes. For the record,?Perry has been with GMA as a talent production staff for 18 years. He has been with SOP for 13 years and in all these years, Perry has only shown professionalism and competency in his work. “With Perry's creativity, discipline and management savvy, it is inevitable that he would want to grow and expand his boundaries and eventually be a major player in this industry.?No one can deny him that. “GMA is grateful for the service and loyalty of Perry and will continue to support him, his projects and most especially his roster of talents who are under exclusive contracts with the Network. Source: Abante |