|
|
| Bohol, saksi sa romansang Aljur-KrisAuthor: People's Tonight INILABAS na ang mga bagong pictorial nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na kuha sa location sa Bohol ng first movie nila together na Nandito Ako. .. Nagmamahal sa 'Yo under Regal Entertainment. Sey ng mga miron sa set at pictorial, sa ganda ng tanawin, hindi naiwasang madala ng dalawang bida, na lagi nga raw magkayupyop at naghahalikan off-cam. Hindi raw masisisi sina Aljur at Kris kung nagkadebelopan, dahil talaga namang napaka-conducive ng napiling lokasyon ni Direk Maryo J. delos Reyes para sa isang budding romance gaya ng sa kanila. Bukod sa sikat na Chocolate Hills, dinayo rin ng magkapareha ang iba't ibang lugar sa Bohol gaya ng Panglao Beach, Baclayon Church, Loboc River, Hemantagon Hills, Bee Farm, Tarsier Sanctuary, Tagbilaran Pier, Cafe Lawis, Maribojoc Mangrove plantation, Hinagdanan Cave, isang manmade forest sa Loay, atbp. May premiere night ang Nandito Ako. .. sa Sept. 27 habang ang regular run ay magsisimula sa Sept. 30. * * * PRESENT ang buong pamilya nina Sen. Manny at Rep. Cynthia Villar sa live airing ng Showbiz Central nu'ng Linggo dahil bukod sa pagsuporta sa guests na sina Nacionalista Party spokesmen Atty. Adel Tamano at Rep. Justin Chipeco, eh, nataong 34th wedding anniversary pa nila. Kasa-kasama nina Sen. Manny at Rep. Cynthia ang mga anak, na siyempre pa'y nakaugalian nang maki-celebrate ng kanilang wedding anniversary. Ayaw sabihin sa press ni Sen. Manny kung ano ang regalo niya sa asawa't secret daw, pero may ilang nakakita sa congresswoman na may dala-dalang tatlong dosena at apat na pirasong rosas at isang cake na puno rin ng mga bulaklak. Nag-guest sina Atty. Adel at Rep. Justin sa SC para i-promote ang Akala Mo campaign at libreng Rockatropa concert, na nakatakdang maganap sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Sept. 26. Ang mga seksing sina Cristine Reyes at Valerie Concepcion ang natokang mag-host ng Rockatropa kasama ang Moymoy Palaboy. Limang sikat na band naman ang tutugtog, tulad ng Itchyworms, Sandwich, Kamikazee, Parokya ni Edgar at Bamboo. Para sa tickets, mag-log-in at mag-register lang sa akalamo. com. * * * MAY libreng concert ang Ballet Manila at pop-rock band na Freestyle sa season opening ng Star City ngayong Biyernes sa Aliw Theater. Isasayaw ng ballet ensemble ang mga kilalang awitin ng banda, na tiyak na kagigiliwan ng mga bibisita, kabilang na si Jolina Magdangal, na panauhing pandangal sa pagbubukas ng pinakabagong action-adventure area na Lazer Blaster. IFF Source: People's Tonight |