Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bong, sinisisi ni Rhian

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

First villain role ni Phillip Salvador ang karakter ni Lizardo sa Ang Panday at hindi niya alam na siya ang kino-consider ni Sen. Bong Revilla for the said role. May isinadyest siyang ibang actor, not knowing na naghihintay lang ng right time si Bong na i-offer sa kanya si Lizardo.

"Nahihiya si Bong dahil kontrabida ang role, pero ako pala ang gusto niya. I ask for one week, I pray and ask for discernment at kinausap ko ang pastor ko. Kaya may hesitation ako dahil Christian ako and I'll be doing devil role, but for Bong, tinanggap ko ang role. Everyday nagpi-pray ako, ipinagpi-pray ko si Bong, ang buong cast and staff and crew. Nasa ere lang ang devil at naghahanap lang ng papasukan, we have to ask for protection. "

Tiniyak ni Phillip na kaiinisan, katatakutan at matatawa sa kanya ang moviegoers 'pag napanood ang pelikula na co-produced ng Imus Films at GMA Films at entry sa MMFF. Ang feeling ng actor, he's doing right sa role niyang Lizardo dahil masaya si Direk Mac Alejandre. Ibang Lizardo sa ginawa ni Max Alvarado ang ginawa ni Phillip para may distinction.

Mala-Heath Ledger sa The Dark Knight ang dating sa amin ng make-up ni Phillip, kaya tinanong siya kung ang pumanaw na actor ang kanyang peg. Sa halip na sumagot, inilabas nito ang dila at nagsalitang ka-boses ni Ledger at nasagot ang aming tanong.

* * *

Sabi ni Michael V, wake-up call sa parents na inaasa sa mga yaya ang kanilang mga anak ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie. Para rin ito sa mga yaya para maging responsible sila sa kanilang trabaho at mga inaalagaan.

Iba't ibang karakter at ugali ng mga naging kasambahay nila ang peg ni Michael V sa role ni yaya Rosalinda, ang sarili naman ang peg ni Ogie sa Angelina role dahil aminadong bratty siya noong bata pa siya.

Sabi ni Michael V, panoorin ang Yaya and Angelina para makalimutan sandali ang problema at comeback movie niya rin ito. Ang pang-come-on naman ni Ogie, last woman role na niya ito at panoorin para hindi malugi ang APT Entertainment at GMA Films.

"I'm very happy I'm doing this movie with my best buddy because he's really genius and creative. Mapili kasi siya nang makakasama," patungkol ni Ogie kay Michael V.

Sa Wednesday, September 23 na ang showing ng movie at mamaya, guests sina Ogie at Michael V sa Eat...Bulaga para mag-promote.

* * *

Si Sen. Bong Revilla ang pabirong sinisisi ni Rhian Ramos kung bakit sila nali-link ni Geoff Eigenmann. Magkasama sila sa Panday at dahil sila ang madalas magka-eksena, sila ang tinutukso ni Bong. Pero sabi ni Rhian, walang ibang bukambibig si Geoff kundi si Carla Abellana. Inaalaska rind aw siya ni Bong 'pag nali-late siya sa shooting.

"Ibang-iba ang ginawa ko sa movie sa ginagawa ko sa Stairway to Heaven, nag-action ako rito at na-harness at may fight scene pa. Lahat kami pinagpaguran ang fight scene namin, excited na ako na mapanood ang whole movie. I hope my fans will enjoy the movie. "

Napag-usapan din ang STH, and this Monday, lalabas na sila ni Dingdong Dantes as the adult Cholo and Jodi. "It's an honor na mabigyan ng buhay si Jodi at gusto kong maging totoong tao sila ni Cholo," wish ni Rhian.

* * *

Lalabas na this week sa Darna ang Babaing Lawin (Ehra Madrigal) at siya ang bagong makakalaban ni Darna. Pinaghandaan ni Ehra ang kanyang role at para sexy siya sa kanyang costume, todo diet ito at apple at crackers lang ang kinakain.

Si Marian Rivera naman, sa sobrang pagmamahal sa Darna, kahit may sakit, tuloy ang taping. Sa Thursday taping, humingi lang ito ng konting oras para mag-rest at nag-report din sa taping. Off-cam, matamlay siya, pero 'pag harap sa camera, masigla na.

Si Ricky Davao naman ay muntik mag-collapse sa taping last Thursday dahil sa puyat at pagod at nadagdagan pa na kailangan niyang tumawa nang malakas bilang si Dr. Morgan.

* * *

Si Troy Perez ng Airai tribe ang bagong makakalaban ni Justine Ferrer sa Survivor Philippines: Palau. Makaya kaya ni Justine ang power ni Troy na nilaglag ng kanyang mga katribo dahil mahina raw at bastos daw sa mga katribong babae.

Sa episode last Friday, tiniyak na ni Justine na kaya niya si Troy sa kanilang water challenge. Inirap-irapan at nag-made faces pa siya kay Troy at panoorin natin kung paano tatalunin ng transsexual beauty queen ang mentalist magician.

Source: People's Tonight