|
|
| Boobs ng PBB housemate lumuwa sa TV?Author: Chan-Chan Torres Para sa weekly task this week ng PBB Double Up ay pagsasabungin ni Kuya ang housemates ng House A at housemates ng House B. Ang nakakaloka sa pinagagawang weekly task ni Kuya sa kanila ay gagayahin nila ang YouTube sensation na Japanese dance kung saan nakahubu't hubad ang participating dancers na pamaypay lang ang props na ginamit para hindi makita ang mga dapat ma-kita. Binigyan sila ni Kuya ng choice na magsuot ng isang flesh-colored body suit, o para magkaroon ng additional points, puwede silang magsuot ng tangga (20 points) o maghubu't hubad sila (50 points) tulad sa original video. Lahat ng lalaking housemates (maliban kay Jason na piniling mag-body suit) mula sa House A & B ay nag-volunteer na sumayaw ng hubu't hubad para makalikom ng maraming puntos para sa grupo nila. Ang lahat ng babaing housemates mula rin sa House A & B naman ay pumayag na mag-tangga pati ang conservative na si Carol para sa kani-kanilang grupo. Ngayon ay busy ang dalawang grupo sa pag-eensayo para ma-perfect nila nang husto ang sayaw nang walang makikitang private parts sa kanila. Sa Biyernes ipapalabas sa PBB Double Up primetime ang kanilang performances at ngayon pa lang ay marami nang viewers ang excited na mapanood ito. Samantala sa 24/7 cable telecast ng show, how true na may female housemate raw ang nag-hello ang boobs? Hindi yata aware (o nakalimutan) ng naturang female housemate na puro camera ang nasa likod ng mga salamin ng kanilang bedroom. Kasi walang malisya na pinagmasdan daw nito sandali ang kanyang boobs sa salamin habang nakasuot ito ng bathrobe. Mabilis naman daw ang mga cameraman at nailihis ang camera sa naturang female housemate pero kahit split-second lang 'yun ay may ilang loyal viewers ng 24/7 cable ang naka-witness sa eksena. Sa mga reality show na ganito talagang hindi maiiwasan ang ganitong slip-ups. Sa Big Brother nga sa ibang bansa ay mas grabe pa ang napapanood ng mga tao at agad naipo-post sa YouTube. * * * Tuloy na tuloy na ang pagtatanghal ng Star Magic, The World Concert Tour sa Araneta Coliseum sa Nov. 13. Mapupunta ang bahagi ng ticket sales sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng sa pamamagitan ng ABS-CBN Sagip-Kapa-milya Fund Drive. Mismong mga artista na lalabas sa show ay buong-pusong idinonate ang kanilang talent fee sa Sagip-Kapamilya. Mahigit 70 stars ng Star Magic ang magpa-participate sa show kasama na rito ang malalaking artista tulad nina Piolo Pascual, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Sam Milby, Diether Ocampo, Vina Morales, Jake Cuenca, Gerald Anderson at Kim Chiu. Kasama rin dito ang Gigger Boys, PDA and PBB alumni. This is the same show na ipinalabas ng Star Magic stars sa States four months ago. Produced ito ng Star Records, Blue Dream Entertainment, Inc, at Beginnings At Twenty Plus Inc. Itinanggi naman ng Star Magic ang mga lumabas sa tsikang mag-aalsa balutan na si Claudine sa ABS-CBN at lilipat na sa Viva. Pumirma lang daw si Claudine ng two-picture contract sa Viva pero mananatili siya sa management arm ng Star Magic. * * * Isang mapangahas na indie film na naman ang ginawa ng pamosong direktor na si Joselito Altarejos, ang Laro Ng Buhay Ni Juan na palabas na ngayon exclusively sa Robinson's Cinemas. Istorya ito ng isang live-sex performer sa isang underground bar. Sa malas ay ni-raid ang kanyang last performance bago siya umuwi sa kanyang probinsya sa Masbate for good. Ipinakita dito ang pangi-ngikil at lupit na sinapit niya sa mga raiding policeman. Magaling na nagampanan ni Ray An Dulay ang lead character na si Juan Reyes. Samantala, mapangahas namang nag-frontal nudity ang baguhang si Ace Ricafort na alaga ng kaibi-gan naming talent manager na si Vic Mampusti. Si Direk Altarejos din ang nagdirek ng box-office hits na indie films na Ang Lalaki Sa Parola, Ang Lihim Ni Antonio, Kambyo at Little Boy Big Boy, all under BeyondtheBox Productions. Source: Taliba |