Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boobs ni Iza lumuwa sa suot na gown

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Natalbugan naman ni Iza Calzado si Sunshine Dizon sa back-to-back prescon ng kanilang respective Sinenovelas na Kaya Kong Abutin Ang Langit at Tinik Sa Dibdib na parehong magsisimula sa Lunes.

Napalingon ang lahat sa suot na blue gown ni Iza na may plunging neckline na hanggang pusod.

Yes, aninag na aninag ang kalahati ng dalawang breasts ni Iza kaya napa-Oh! ang press people.

Samantalang isang ordinaryong black gown lang ang suot ni Sunshine.

Ang role ni Maricel Soriano ang ni-reprise ni Iza sa Kaya Kong Abutin Ang Langit, samantalang ang dating role naman ni Nora Aunor ang ginampanan ni Sunshine sa Tinik Sa Dibdib.

Si Wendell Ramos ang kapareha ni Iza samantalang si Marvin Agustin naman ang leading man ni Sunshine.

Dapat daw sa susunod ay ipagsama na raw sina Iza at Sunshine sa isang Sine Novela at bagay na bagay sa kanila ang remake ng T-Bird at Ako nina Ate Vi at Ate Guy dati.

Siyempre si Sunshine ang gaganap na t-bird dito.

* * *

Naka-cast ang kanang kamay ni Aljur Abrenica nang kausapin namin sa prescon ng Nandito Ako. .. Nagmamahal Sa 'Yo. Tumama daw ang kamay niya sa pader sa isang fighting scene niya sa last day taping ng All My Life kaya hindi muna siya nakapagsayaw sa SOP last Sunday.

Aabutin pa ng three weeks ang cast sa kanyang kamay na tama lang habang naghihintay siya ng bago niyang project sa GMA.

Pero okey naman siyang mag-public appearances tulad sa mall shows nila at premiere night ng Nandito Ako sa Linggo, Sept. 27, sa SM Megamall.

Itinanggi niya na nag-date ang ka-loveteam niyang si Kris Bernal at si Carlo Aquino sa Starbucks Commonwealth.

Paano raw mangyayari 'yun, eh kasama rin daw siya ng time na 'yun. Bale nagkayayaan lang daw silang mag-coffee pagkatapos ng shooting nila ng Nandito Ako. Kasama rin kasi sa cast si Carlo.

"Hindi ko lang alam kung may nangyaring kababalaghan kina Kris at Carlo habang nag-CR ako sandali," biro pa ni Aljur.

Sinagot din niya ang isyu tungkol sa pagiging No. 2 lang niya after Gerald Anderson sa Cosmo Bachelors' party na ginanap sa NBC Tent kamakailan.

Okey lang daw sa kanya kung pangalawa lang siyang tinawag after Gerald dahil mas matagal na naman daw sa showbiz si Gerald kaysa sa kanya. Isa pa, si Gerald ang cover ng 69 Bachelors ng Cosmo this year kaya nararapat lang na siya ang mag-star sa Cosmo party.

Basta ang pagkakaalam niya kung ano 'yung ka-tawan niya na nakita sa 69 Bachelors issue ay totoo 'yun at hindi inedit lang ng photoshop. 'Yun na!

Kung magkakaroon daw ng pagkakataon, ang gusto raw niyang makasama sa next project niya sa GMA ay sina Carla Abellana o Marian Rivera.

Crush rin daw niya sina Cristine Reyes at Angel Locsin, kasoKapamilya raw ang mga ito.

* * *

Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino kaya naman hindi na kami nagulat nang may gumawa ng isang pelikula tungkol dito.

Ito ang indie film na Sabungero: Dangal at Tibay na produced ng Rooster Content Online (creator ng No. 1 cockfighting website na sabong. -com. ph) na may premiere night sa Sept. 27 sa Gateway Cinema 5 sa Cubao at regular showing sa Sept. 30. Pinagbibidahan ito ni Joel Torre na tuwang-tuwa dahil nagbida na naman siya sa isang pelikula after a long time.

Kasama rin ang mag-amang Mark Gil at Sid Lucero, na first time na magsasama sa pelikula.

Sina Ricky Davao, No-nie Buencamino, Robert Arevalo, Leo Martinez at Maritoni Fernandez ang iba pang cast. Dinerehe ito ng mga bagong direktor na sina Miguel Kaimo at Rozie Delgado. Ipalalabas din ito sa Cebu, Iloilo at Bacolod, kung saan very popular rin ang sport na cockfighting.

Sabi ng producer na si JC Barnardo, ipinapakita ng Sabungero ang tunay na nangyayari sa lovers ng sports na ito kung saan anim na milyon na ang registered sabungeros sa buong bansa.

Source: Taliba