|
|
| Boobs ni Rufa Mae type ni AkihiroAuthor: Tonee Coraza Ayon kay Akihiro Sato, la-sang strawberry ang mga labi ni Rufa Mae Quinto. Puri naman ni Rufa Mae, good kisser si Akihiro. Yes, sandamakmak ang kissing scenes nila sa bagong handog ng SRO Cinemaserye na "Moshi, Moshi, I Love You, " isang comedy tungkol sa isang fan (Rufa) na sumali sa "win a date contest" sa kanyang idolong Japanese actor (Akihiro). Natutuwa si Rufa Mae kay Akihiro dahil nakaiintindi at nakapagsasalita na rin ito ng Tagalog. Very sexy din daw ang face at katawan ni Aki. Samantala, gusto naman daw ng Japanese-Brazilian model ang boobs ni Rufa Mae. As in nanggigigil siya rito. Hindi na kami magtataka kung sakaling magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil sadyang mahilig si Rufa sa foreigners. * * * Nasa 24th season na pala ang Daisy Siete at patuloy ang tagumpay nito sa ratings kaya naman nagpa-raffle nang bonggang-bongga si Joy Cancio, producer ng Daisy Siete, sa press people. Labing-walong tig-P5K ang ipinamigay ni Joy plus tig-P3,000 sa bawat press na magtatanong sa cast ng bagong season nitong "My Shuper Sweet Lover" na pi-nagbibidahan ni Jopay. Ang real-life boyfriend ni-yang si Joshua Zamora ang kanyang leading man dito plus Felix Roco na kukumpleto sa kanilang love tri-angle. Kapansin-pansin na wala si Rochelle Pangilinan sa cast dahil may concert tour itong gagawin abroad. Sa susunod na season ay mapapanood na ulit si Ro-chelle kung saan siya na na-man ang bida, ayon kay Joy. Last March pala ay tulu-yan nang na-annul ang marriage ni Joshua sa kanyang asawa kaya libreng-libre na siyang makipagrelasyon ngayon kay Jopay. Pero, wala pa naman silang balak magpakasal. Ayon kay Jopay, apat na taon na ang relationship nila ni Joshua kaya ang tagal din ng kanyang ipinagtiis bilang 'other woman. ' Samantala, super-daring na rin pala si Felix ngayon dahil sa bago ni-yang indie film na Pamilya Sagrada ay naghubo't hubad siya sa love scene nila ni Lovi Poe. Ang lumabas na intriga ay pini-lit daw siyang maghubad ni Di-rek Joel La- mangan dito na mariin naman niyang itinanggi. Aware siya na may ga-nitong eksena at pumayag naman siyang gawin ito. Matatawag na ring 'indie prince' si Felix ngayon dahil sa rami ng indie films na ginagawa niya. Ang pelikula niyang Engkuwentro ay nanalo pa ng Best Picture award sa ibang bansa. Kasama rin si-ya sa indie na Dukot, isang makabuluhang pelikula rin tungkol sa violation ng human rights dito sa ating bansa. * * * Matutuwa nang husto ang lahat ng Skycable subscribers dahil mayroon nang Skycable Digibox na may kasamang six additional channels for free. Ito ang History Channel, The Biography Channel, FX Channel, Basketball TV, Euronews at CNBC, the world leader in business news. May onscreen program guide rin ang Digibox kung saan naka-display ang title at synopses ng program na kasalukuyang ipinapalabas at ang title ng susunod na program. May weekly program schedule rin na ipinapakita at child-lock feature.
Tapos puwede ka pang magdagdag ng paisa-isang cable channel na gusto mo for as low as P20 each hanggang P100. Bongga, 'di ba? Sad lang kami dahil hindi pa available ang Digibox sa lugar namin sa Antipolo at sa 2010 pa magiging available sa Rizal area. Source: Taliba |