Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boobsie na mga artista, type ng male young star

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

NGAYONG taon ay nagbabalik sa TV 5 ang award-winning at pinaka-orig na gag show na bumiktima at nagpahalakhak sa buong sambayangan Pilipino.

Now may bagong twist at malaking pakulo ang yayanig sa buong bansa.

Unang nakatikim noong 1996 ng matitinding practical jokes at kalokohan ang mga Pinoy sa reality-based prank show na Wow Mali hosted by veteran comedian Joey de Leon sa ABC-5.

Ngayon Pebrero, hindi na talaga magpapaawat sa pambibiktima at pagpa-patawa ang walang kupas na gag show na ngayon ay nasa TV5, ang ikalawang "buhay" ng Wow Mali.

Pinangungunahan pa rin ng master prankster na si Joey de Leon bilang host at bilang mastermind ng mga "panggagantso," mas malaki na ngayon at higit na malawak ang sakop ng Wow Mali dahil buong bansa na ang target ng kalokohan ni Joey.

Bilang ang bagong pambansang panggudtaym, dapat lang na palaging mag-ingat sa kung saan mang dako ng bansa ka naroroon dahil siguradong maghahasik ng katatawanan ang Wow Mali -- mula Luzon, Visayas at Mindanano -- at baka isa ka sa mga mabiktima.

Sinabi ni Joey na malapit sa original na Wow Mali ang format o style ng programa niya ngayon.

* * *

MISTULANG dance diva si Marissa Sanchez sa kanyang katatapos na concert titled Love is the Thing na ginanap sa AFP Theater kamakailan kung saan ipinakita nito sa kanyang pa-bolosang opening number ang galing niya sa pagsayaw at pag-awit.

Click din sa mga ma-nonood at talaga namang umani ng palakpakan at hiyawan ang kanyang pag-impersonate sa iba't ibang singers at movie personalities katulad kina Jessa Zaragosa, Toni Braxton, Armida Siguion Reyna, Dulce, Barbara Striesand, Leah Salonga, Tina Turner, Angela Bofil, Kuh Ledesma, Didith Reyes, Elizabeth Ramsey, Jaya, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

Nagustuhan din ng manonood ang Teleserye Theme song na inawit ng PDA Teacher, Young Balladeer at successful businessman na si Von Arroyo, Faith Cuneta at Marissa Sanchez.

Bukod kay Faith at Von ay nagsilbing guest din nang gabing iyon sina Bayani Agbayani, ang mga Pop Star Kids na sina Dino at Jessica, Albert Cedric Tan, Babae cast na sina Glenda Garcia, Mia Prats, Jen Umali at Shry Valdez.

* * *

VERY lucky ang StarStruck Batch 2 Avenger at GMAAC star na si Kevin Santos dahil sunud-sunod ang proyektong ginagawa niya ngayon.

Kasali si Kevin sa primetime soap ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang.

Bukod pa rito ang kanyang guestings sa shows ng GMA-7.

Kaya naman very thankful daw si Kevin sa pamunuan ng Kapuso dahil sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.

Sa ngayon daw ay loveless si Kevin at nakatutok lang siya sa kanyang blooming career, pero aminado siya na may mga showbiz crush siya katulad nina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Katrina Halili at Ara Mina na kung sisipat-sipatin natin ay pare-parehong boobsie.

Ayon kay Kevin malakas ang dating sa kanya ng mga babaing malalaki ang boobs.

* * *

SPEAKING of birthdays, isang marangya at bonggang selebrasyon ng kaarawan ng mabait at tinaguriang lord of scents na si Joel Cruz , president ng matagumpay na negosyong Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures Personal Care Line at ng VP na si Remar de Leon na ginanap sa TOYZ Café sa Shaw Blvd. last Feb. 7.

Dumalo ang halos lahat ng mga mahal sa buhay nina Joel at Remar sampu ng kanilang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya.

Namataan namin ang magaling na mang- aawit na si Carmen Pateña, Dance Squad Singers na naghandog ng dalawang awit para sa celebrants at ang ex-PDA finalist na si Geoff Taylor.

Nagsilbing hosts naman nang gabing iyon ang actress/host na si Amy Perez at newcaster na si Alex Santos.

Isa lang ang naging wish nina Sir Joel at Sir Remar nang gabing iyon, ang maging kasing-successful din ng Aficionado Germany Perfume ang Joel Cruz Signatures Personal Care Line.

Source: Taliba