|
|
| Book launching ng dating tao ni FPJ, inisnab ni SusanAuthor: Vir Gonzales MARAMI ang nagtatanong kung bakit wala si Susan Roces sa espesyal na okasyon ng dating PR-publicist ng late husband niyang si Fernando Poe Jr. No-show si Susan sa book launching ni Nap Alip na ginanap sa Mowelfund kamakailan. Ni-launch ang libro ni Nap na The Untold Stories Aboutâ¦, kung saan kasama sa mga na-feature si Susan mismo. Halata tuloy na malungkot si Nap kahit anduân ang mga nakaalalang kaibigan sa press. Gusto naming i-congratulate si Nap, na kaklase namin sa AB Journalism sa MLQU. Produkto rin ng MLQU sina Direk Celso Ad. Castillo, Letty Celi, Mila Parawan, Hilda Koronel at Vice President Noli de Castro. * * * SINUSUWERTE talaga si Dennis Trillo. Imagine, ang bonggaderang teleserye niya, Gagambino, na obra maestra ng pamosong director-producer at âKomiks Kingâ na si Carlo J. Caparas ay malalagay sa history at selyo ng bansa? Sino bang artistang Pinoy na may sikat na telenobelang halaw sa komiks ang nilagay na sa selyo? Wala pa yata. Dahil sa pagiging aktibo ng mega couple na sina Direk Carlo at Donna Villa na pasikatin ang komiks sa buong mundo, ipinaubaya nila ang mga likha ni Carlo sa Bureau of Post. * * * SA ABS-CBN naman, binigyang kulay ng Pieta ni Direk Carlo ang showbiz life ni Ryan Agoncillo. Isang higanteng proyekto ito na unang ginampanan nina Ace Vergel at Vivian Velez sa pelikula. Kaya naman grabe ang pasasalamat ni Ryan sa pagdating ng Pieta sa kanyang buhay. Maituturing na siyang isang ganap na actor, hindi basta artista lang. * * * LALONG ginanahan sa pagpo-produce ng indie films si Carlo Maceda, lalopaât nanalong Best Actress si Jodi Santamaria para sa prinodyus niyang Sisa. Kumita rin at humakot ng papuri ang kauna-unahan niyang produksyon, ang Nars. Si Jao Mapa ang gumanap sa papel na Crisostomo Ibarra sa Sisa. Katatapos lang din ni Jao gawin ang Medalya at nasa cast din siya ng Baler. * * * SA Nov. 21 at 23, may proyektong Pamasko ang TV host na si Tintin Bersola sa World Trade Center kasama ang mommy niya. Makakikita raw kayo ng ibaât ibang bilihin sa puwesto nina Tintin. * * * PERSONAL: Birthday greetings kay Marivic Salvador ng Aldana, Baliuag, Bulacan, sa Nov. 16 at kay Camille Victoria sa Nov. 18. Source: People's Tonight |