|
|
| Boots Anson-Roa ibinuking si MegaColumn: Whatever MASYADONG tame ang press people sa presscon ng Caregiver. Kasi, may prior na pasabi sa lahat na bawal magtanong ng tungkol kay Gabby Concepcion kay Sharon Cuneta. Kaya naman puro tungkol lang sa pelikula ang mga questions ng reporters. Pero, ang nakatatawa nito, biglang nagkuwento si Boots Anson Roa na noong nagsu-shoot daw sila ng first movie ni Sharon na Dear Heart, nilapitan siya ni Sha-wie para sabihing gusto raw siyang kunin nito para magninang sa kasal niya with Gabby Concepcion kung sa-kaling magkakatuluyan sila. Umoo naman daw kaagad si Boots kaya lang she has to leave for the States for a long time after that kaya naman wala na siya rito nang ikinasal na finally sina Sharon at Gabby. Bigla namang nag-butt in ang megastar sa kuwentong ito ni Tita Boots sabay sa-bing: "Buti na lang Tita Boots, hindi kayo natuloy na magninang sa amin kasi wa-la namang pinatunguhan ang kasal namin ni Gabby!" Palihim na nagkatinginan na lang ang mga reporter dahil sina Tita Boots at Sharon na mismo ang nagbanggit ng pangalan ni Gabby sa presscon. Pero dahil nga may warning na sa press na huwag magtanong tungkol kay Gabby wala pa ring nangahas na mag-follow-up sa nasimulan nang usapan tungkol kay Gabo! Kaloka! * * * NA-upstaged naman ni John Manalo si Makisig sa presscon ng Caregiver dahil umiyak ito nang pagsalitain na siya tungkol kay Sharon Cuneta. Naiyak daw siya dahil hin-di niya akalain na napakabait pala ni Tita Shawie kahit na-pakalaking artista nito. At hindi niya naisip man lang na makakasama niya ang megastar sa murang edad niyang dose años. Kung mapapansin din, ha-mak na mas guwapo si John Manalo kesa kay Makisig at paglaki nito tiyak na future matinee idol ito. Aba, naunahan na rin ni-ya si Makisig sa pagiging isang 'binata'. Tinule na kasi siya last April samantalang si Ma-kisig ay hindi pa sa kawalan ng panahon para magpa-circumcize. Pero, malay natin baka humabol na rin si Maki-sig bago magtapos ang taong ito. Sayang nga lang dahil na-sa alanganing edad si John Manalo kaya nahihirapan silang hanapan ito ng project ngayon. Last March ay tuluyan na siyang namaalam sa Goin' Bulilit dahil magti-trese na siya sa September at over-height na siya kaya hindi na siya mukhang bata. Suwerte siya at kinuha si-ya ni Direk Chito para sa Caregiver bilang anak ni Sharon. * * * TUWING nakikita namin si Sam Concepcion ay lalo si-yang gumaguwapo at tumatangkad. Nang magkita kami ulit ni Sam nitong Martes ng ha-pon, nagulat kami nang malaman namin na he's nearly 5'7" now at 15-year-old. Hindi na kami nagtaka where he got his mestizo good looks kasi nakita namin ang father niya nang hapong 'yun at artistahin din ang itsura nito. What's more, theater actor at commercial model pala ang dad niya kaya may pinagmanahan talaga siya. Pati lahat ng kapatid niya including his sister na Gaby Concepcion ang pangalan (short for Gabrielle) ay puro pala nasa teatro rin. Isang malaking achievement at karangalan para kay Sam ang mapili ng Dreamworks (movie outfit ni Steven Spielberg) na kumunta at mag-record ng theme song ng Kung Fu Panda na Kung Fu Fighting which is originally a disco song back in the '70s. Sa Asian release ng natu-rang movie sountrack CD ay kasama ang version ni Sam ng Kung Fu Fighting pati na rin 'yung version ni Rain na isang superstar sa Korea. Sa Philippine release ng pelikula ay 'yung version ni Sam ang maririnig sa closing credits ng movie. May ginawa pang isang special MTV si Sam para rito na kinunan sa isang Chinese Temple sa Malabon. Aba patalbugan talaga sila ni Charizze ngayon (ka-batch niya sa Little Big Star dati ka-sama si Makisig) na na-feature naman sa Ellen De Generes show sa U. S. Source: Taliba |