|
|
| Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula Kiligin at mahumaling sa 'Boys...'![]() Author: Ruel Mendoza Handa na ba kayong kiligin at mahu-maling sa muling nagbabalik ng F4? Simula bukas (May 11) ay mapapanood na gabi-gabi ang Koreanovela phenomenon ng 2009 sa ABS-CBN -- ang Boys Over Flowers. Bida rito ang Asian superstars ngayon na sina Koo Hye-Sun, Lee Min-Ho, Kim Hyun-Joong, Kim Bum, at Kim Joon. Ito ang pinakamalaking serye na ginawa sa Korea na kinunan pa sa New Caledonia at Macau. Nauna na itong ni-remake sa Taiwan bilang drama series na Meteor Garden (ipinalabas din sa ABS-CBN) na pinagbidahan ng phenomenal boyband na F4. Makiisa, maki-patrol, at makisanib puwersa sa ABS-CBN News and Current Affairs bukas (May 11) sa paglulunsad ng “Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula,” isang malawakang kampanya para himukin ang mga Pilipino na maging aktibo sa darating na halalan. Nananawagan ang BMPM sa lahat ng Pilipino, lalung-lalo na sa mga kabataan, na ngayon pa lang ay magsimula ng makilahok sa pamamagitan ng pagpaparehistro para bumoto at mabusising pagsubaybay sa paghahandang ginagawa sa 2010 presidential race. “Marami sa kabataang Pinoy ang tila wala nang pakialam at hindi na naniniwalang ang pagbabago ay maaring maganap sa ating bansa. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga kabataan. Mayroon tayong isang taon para baguhin ang tradisyunal na pulitika sa Pilipinas at ang kampanyang ito ang magbibigay kapangyarihan sa kanila para umaksyon,” sabi ni Maria Ressa, ABS-CBN Senior Vice President for News and Current Affairs. Magtatayo ang ABS-CBN ng voter registration booth bukas sa Metro Manila, Pampanga, Cebu, at Davao. Hihimukin din ang mga botante na ibahagi ang kanilang mga saloobin sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng text at sa website na www.ABS-CBNNEWS.com. Mag-uumpisa ang mga kaganapan sa May 11 sa makasaysayang La Salle gymnasium kung saan unang quick election count ay ginanap noong 1986. Kasama ang buong tropa ng “Umagang Kay Ganda,” isang voter at BMPM registration booth ang itatayo sa La Salle. Ayon kay ABS-CBN News Gathering Head na si Charie Villa, maghahatid din ng pinakasariwang mga ulat ang ABS-CBN News sa Pampanga kasama si Pinky Webb; sa Cebu kasama si Julius Babao; at sa Davao kasama si Ces Orena-Drilon kung saan may voter registration areas din na matatagpuan. Pagsapit ng gabi, ihahatid ng ABS-CBN News Channel (ANC) ang kauna-unahang “ANC Leadership Forum” sa Ateneo De Manila University kung saan kikilatisin ang opinyon at saloobin ng mga posibleng maging lider ng bansa hinggil sa iba't ibang isyung kinakaharap natin ngayon. Kabilang sa mga dadalo sa forum ang mga maugong na kandidato sa pagka-presidente na sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Pampanga Governor Ed Panlilio, at mga senador na sina Mar Roxas III, FrANCis Escudero, Panfilo Lacson, at Richard Gordon. Isang mini-concert naman na pinamagatang “365 Days to Change...Todo Na To!” ang magaganap sa Music Museum sa ganap na 8pm kasama ang Artist Revolution at YouthVote Philippines. Pangungunahan ito ni ABS-CBN ANChor Atom Araullo bilang host. Source: Abante |