|
|
| 'Boy & Kris,' papalitan ng 'Ruffa and Ai'Author: Nitz Miralles Hanggang February 13 na lang ang Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino dahil papalitan ito ng Ruffa and Ai nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai de las Alas na pilot sa Feb. 16. Monday to Friday din ang airing ng third show ni Ruffa sa ABS-CBN dahil napapanood din siya sa I Luv Betty La Fea at The Buzz. Sa gabi ng Feb. 16, naman ang premiere ng bagong show nina Boy at Kris, ang SNN o Showbiz News Ngayon. Mala-Insider at Entertainment Tonight ang format ng 30-minute pure entertainment news program, Monday to Friday. Hindi nila iiwan at ni Ruffa ang The Buzz. Magpi-premiere sa Feb. 2 ang May Bukas Pa after TV Patrol at sa Feb. 7 naman ang simula ng airing ng Komiks Presents Mars Ravelo's Flash Bomba. Sa Feb. 23, mapapanood na ang Florinda ni Maricel Soriano. Tribute ito ng network sa actress at three weeks tatakbo. * * * Masayang umuwi ang lahat ng press sa thanksgiving party na ibinigay nina Sen. Bong Revilla, wife Lani Mercado at sister na si Andeng Bautista-Ynares. Walang umuwing luhaan at nagrereklamo dahil lahat ay masaya sa cash prizes na ipina-raffle. Sabi ni Sen. Bong, hindi niya nakakalimutan ang press at ang suporta sa kanya at sa buo nilang pamilya. Ipinakita ang teaser ng Panday na kundi sa November ang showing, ipapasok sa 2009 Metro Manila Film Festival. Co-produced ito ng Imus Productions at GMA Films at sina Mac Alejandre at Rico Gutierrez ang mga director. Sa March na sisimulan ang shooting nito. Dahil sa Panday, hindi na magagawa ni Sen. Bong ang Star Cinema movie, kukulangin siya ng oras at may special effects ang nag-iisang pelikulang magagawa niya this year. Ang GMA Films ang pipili ng kanyang leading lady. Tiniyak din ni Sen. Bong na tatakbo siya sa 2010, pero middle of this year malalaman kung anong posisyon, basta ready siya kahit anong posisyon. Kinumusta kay Sen. Bong ang mga kaibigang sina Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador. "Nalulungkot ako for Jinggoy and Ipe, pero okey na si Jinggoy at mamaya nga'y dadalawin ko siya. Nagka-infection lang ang operasyon niya. "Sa kaso ni Ipe, mahaba pang proseso 'yon, 'wag agad siyang husgahan at puwede pang i-apela ang kaso niya. "Naniniwala siyang maaabsuwelto siya't wala siyang ginawang kasalanan. Kausap ko siya kanina, malungkot at naiiyak siya. Sinabihan ko siyang 'wag malungkot. Lawyer ang maitutulong ko sa kanya. " * * * Gawa ni Ogie Alcasid ang theme song ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, ang bagong soap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na iere na sa Feb. 2. Ikaw ang Pag-ibig ang song na sinulat ni Ogie para kay Marian. Ang La Divas at si Jan Nieto ng SOP ang kumanta ng theme song. Nagpapakaba kay Marian ang role ni Proserfina dahil kabaligtaran sa mga nagawa na niya. Kung dati'y inaapi siya at laging umiiyak, dito'y astig siya, member ng akyat-bahay gang, palaban at daring pa. Baka raw manibago ang fans at viewers, kaya dinarasal niyang mag-rate ito at magustuhan ng viewers. Samantala, posibleng magbago ang desisyon ng GMA-7 na pansamantala'y last team-up ito nina Marian at Dingdong 'pag umabante pa rin sa ratings. Wala rin namang dapat ikabahala ang fans kung matagal bago uli sila magtambal sa TV dahil igagawa sila ng pelikula ni Mother Lily. Masaya nitong ibinalita na muling ipinahiram sa kanya ni Annette Gozon-Abrogar si Dingdong, kaya may pinaplano na namang pelikula ng dalawa ang Regal matriarch. Source: People's Tonight |