Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boy Abunda, Dr. Manny na-turn off kay Dra. Vicki

Author: Mercy Lejarde

1. RUMOR : Flaterring daw para kina Dr. Manny Calayan at Boy Abunda yung sinabi ni Dra. Vicki Belo sa Showbiz Central last sunday sa interview ni Mo Twister na something like. .. "Calayan has Boy Abunda but Belo has Dingdong Dantes. "

FACT : May ilang friends sina Dr. Manny Calayan at Boy Abunda ang na-hurt at na-turn off sa naging comment ni Dra. Vicki Belo na tipo daw kasing intriguing and insulting sa tono ng pananalita ni Belo. Kulang na lang daw ay sabihin nitong beyond comparison ang The beauty and the beast, tsuk! Abangan na lang natin kung mag-re-react sina Calayan at Abunda mismo.

2. RUMOR : Isang magandang halimbawa daw yung ginawang pagbabati nina Kris Aquino at Dra. Vicki Belo (yezzz, Belo again ) sa ABS-CBN's SNN talk show at pagpapakita sa sambayanang Noypi na "all is well that ends well. "

FACT : Isang pagpapatunay 'yun ng isang kasabihan sa Ingles na "there's no permanent enemies, only permanent interest!" True or false, ED Butch Roldan?

3. RUMOR: Pinoy Fear Factor female participante Janna "Bonana" Dominguez is the type of person who cannot accept defeat dahil si participante Jommy ang naging PFF El Ultimate Participante na nagwagi ng house and lot plus 2 milyon pesos.

FACT: Tanggap ni Janna ng pagkatalo niya kay Jommy although malaki ang kanyang panghihinayang dahil sabi niya, "Isang tapak na lang sana sa gas, (explosive car racing stunt ang kanilang huling pinaglabanan ni Jommy) at mapapauwi ko na ang Tatay ko na nasa Japan at magsasama-sama na sana kami du'n sa mapapanalunang bagong bahay tapos 'yung P2 milyon gagamitin ko sa aking pag-aaral," with matching hagulgol on the side.

Pero tuloy ang buhay para kay Janna dahil after ng Eva Fonda ay regular na siya sa Banana Split.

4. RUMOR : Pulos laflafan lang daw at yakapan ang kayang gawin nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa GMA7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

FACT : Oy, in pernes, palalim nang palalim ng acting na ipinamamalas ng Marian at Dingdong lately sa ABHSAT, noh! Malamang pa nga

maging nominado sila sa darating na PMPC Star Awards For TV pati na ang mga kasama nila sa cast na sina Angelu de Leon, Carmi

Martin, Polo Contis, Eugene Domingo and yezzz, even Alyssa Alano na na-type cast bilang aanga-angang celeb.

5. RUMOR : Dahil bago na ang management ng TV5 ay hindi na raw ibabalik ang Wow Mali ni Joey de Leon sa nasabing TV network at dumating na daw kasi sa saturation point ang nasabing show.

FACT : FYI, muling ibinabalik ng TV5 ang Wow Mali na mukhang walang kamatayan sa mundo ng telebisyon when it comes sa pagpapatawa sa mga avid viewer nito.

6. RUMOR : Mahirap daw manalo ng malaki sa Kapamilya Deal Or No Deal hosted by Kris Aquino sa Kapamilya Network dahil ba-rat daw si Banker.

FACT : Eh, kasi naman, halos karamihan ng nagiging studio players nito ay no deal ng no deal kahit malaki na ang offer ni Banker, noh.

Remember the kasabihang "ang naghahangad ng kagitna, isang salop ang nawawala" o sa bagong kasabihan, "ang naghahangad ng milyones, piso lang ang naget-getsing!"

Source: Taliba